Advertisers
ARESTADO sa 3.5 gramo ng shabu ang 15- anyos na Grade 10 student sa buybust sa Barangay H2 Dasmariñas City, Cavite.
Sa ulat, 2:00 ng madaling araw nang maaresto ang salarin na itinago sa pangalang Potpot, 15 anyos, ng Brgy. Datu Esmael at kasama sa drug list ng Street level Individual ng pulisya, nang magkasa ng buybust ang City Drug enforcement team ng Dasmariñas City Police laban sa binatilyong tulak. (Irine Gascon)