Advertisers

Advertisers

Babaeng negosyante, ninakawan at binugbog sa CR ng mall

0 10

Advertisers

ISANG babaeng negosyante ang sinundan, binugbog at ninakawan ng dalawang kawatan sa loob ng palikuran sa isang mall sa Quezon City.

Ayon sa ulat, sinundan ng dalawang lalaki si Ronalyn Labang papunta sa mall.

Sa report, aksidenteng pumasok si Labang sa panlalaking palikuran sa ikatlong palapag ng mall, at pinasok siya ng mga salarin.



“Based dun sa aming experience dito, first time lang nangyari na nasa loob ng CR yung holdap… yung nangyari sa holdapan…” sabi ni QCPD Station 10 Deputy Station Commander, Major Mike Diaz.

“Hinihila na po ako ng lalaki at doon na po siya nag-start sa akin na nampukpok ng ulo ko. Hanggang sa kinuha niya po yung kamay ko. Then sinugat-sugatan niya na po… Yung baril po niya sa bag sa harapan niya eh natapik po sa likuran ko…” dagdag pa ng biktima.

Nakuhanan si Ronalyn ng dalawang cellphone at P30,000 cash, habang nagtamo si Labang ng mga sugat sa braso at noo ng dahil sa pambubugbog.

Hinala ng biktima at ng kaniyang asawang konsehal ng Tuguegarao, may mas malalim pang motibo ang krimen bukod sa pagnanakaw.

“May sinasabi po siya na, ‘P_ng asawa mo! May araw din ang asawa mo,’ pero nagmakaawa po ako. Sumisigaw din po ako ng tulong,” sabi ni Ronalyn.



Dagdag pa ng biktima at ng kaniyang asawa, posibleng may kinalaman sa transaksyon sa diyamante sa kanilang Negosyo ang krimen dahil isang taon na daw sila nakakakuha ng mga pagbabanta.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya kung pano nakapagpasok ng patalim at, ayon sa biktima, baril sa loob ng mall.