Advertisers

Advertisers

Pulis, 1 pa nagbenta ng armas ng AFP arestado

0 8

Advertisers

ARESTADO ang isang pulis at isang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) nang magbenta ng mga baril na pag-aari ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa entrapment operation sa Cotabato City, Biyernes ng hapon.

Kinumpirma ng regional chief ng CIDG-Bangsamoro Autonomous Region na si Lt. Col. Ariel Huesca ang pagkaka-entrap sa naturang pulis na kasapi ng Kabuntalan Municipal Police Station sa Maguindanao del Norte, at ng kasabwat na miyembro ng MILF na mula sa “Task Force Ittihad” ng naturang grupo.

Nasamsam ng mga CIDG-BAR agents ang dalawang 5.56 M16 rifles, isang 5.56 M4 carbine na may tatak na AFP Property at mga bala mula sa dalawang suspek na hindi na muna kinilala habang nagsasagawa pa ng manhunt operation ang pulisya sa ilan pa nilang kasabwat na nagtatago sa ilang bayan sa Maguindanao del Norte at dito sa lungsod.



Nakumpiska rin mula sa dalawa ang 5.56 na Israeli Galil rifle at isang 9millimeter Glock pistol.