Advertisers

Advertisers

Pokwang natupad na ang pangarap na maging action star 

0 10

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

HINDI na mapasusubalian ang galing ni Pokwang sa larangan ng pagpapatawa at pagdradrama.
Katunayan, pinuri ng mga kritiko ang kanyang pagganap sa mga pelikulang “Mercury Is Mine”, ” A Mother’s Story”, “EDSA Woolworth”, ” Sol Searching” at iba pa.
Naging best actress din siya sa pelikulang “Oda sa Wala” sa 2018 QCinema International Film Festival.

Dahil naman sa kanyang pagkakahawig sa Asian actress na si Lucy Liu na nakilala sa Hollywood movie na “Charlie’s Angels”, bet ng kafaneyan na makita siyang mag-aksyon naman for a change.



“Actually, gusto ko talagang gumawa ng action movies. Even noong time na gumagawa ako ng movies sa Star Cinema with Vhong Navarro, bet na bet ko nang gumawa ng stunts,” lahad niya.
Nagpapasalamat naman siya na natupad ang pangarap niya na maging action star sa pelikulang “Slay Zone” na iprinudyus ng Wide International Film Productions at idinirehe ng premyadong director na si Louie Ignacio.
“Thankful ako na nabigyan ako ng chance na maipakita iyong hindi ko pa nagagawa. Pangarap ko talagang gumanap ng pulis na natupad naman sa movie na ito, iyong makapag-portray ng out-of-the box roles,” aniya.

Hindi rin daw siya nahirapan sa pagsabak sa mga maaaksyong eksena.
“Dancer naman talaga ako.Pag gumagawa ako ng fight scenes, parang gumagawa ako ng dance steps,” paliwanag niya.”Iyong ibang scenes, ako ang nag-suggest kay Direk Louie na i-choreograph para mapadali ang shoot,” dugtong niya.
First time rin makatrabaho ni Pokwang ang magaling at kapwa premyadong actress na si Glaiza de Castro sa nasabing pelikula na isinulat ni Lawrence Nicodemus.

“Sobrang napabilib din ako sa dedikasyon ni Glaiza sa movie. Actually, nabuo agad iyong bonding namin,” pagbabahagi niya.
Nilinaw naman niya na walang sapawan na naganap sa kanila ni Glaiza sa naturang suspense thriller.
“Actually, mas nagtulungan kami ni Glaiza. Masarap katrabaho si Glaiza dahil nagbibigayan kami. Pinag-uusapan namin kung paano namin mapagaganda ang mga eksena.So, walang sapawan,” pagtatapos niya.

Palabas na simula sa Pebrero 14, Araw ng Mga Puso, kasama rin sa pelikula sina Maui Taylor, Rico Barrera, Abed Green, Richard Armstrong, Tiktok sensation Queenay Mercado, Lou Veloso, Hero Bautista, Raul Morit, at Paolo Rivero.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">