Advertisers

Advertisers

Marami ang umalma sa ‘di pagka-nominate ni Christopher De Leon sa MIFF 2024; Intl Recording Artist Jules Graeser makakasama si Regine Velasquez sa Regine Rocks Concert sa California

0 14

Advertisers

Ni PETER S.LEDESMA

SA kanyang latest  post sa FB,  kinwestiyon at hinihingan ng paliwanag ni Maam Redgie Acuña Magno, ang mga tumayong hurado sa recent Manila International Film Festival Awards Night kung bakit hindi nakasama sa nomination ng Best Actor ang lead actor nila sa “When I Met You In Tokyo” na si Christopher De Leon.

Malaki ang involvement ni Ma’am Redgie sa pelikulang ito nina Vilma Santos at Boyet de Leon na siya ang tumayong Supervising Producer, na tulad nina Ate Vi at Boyet ay super sipag mag-promote ng WIMYIT. Yes, marami ang mga sumang-ayon kay Ma’am Redgie, kabilang ang inyong lingkod, na mali talaga ang hurado ng MIFF sa ginawang pang-iisnab kay Christoper na isang iconic actor at King of Philippine Drama.



Labis na pang-iinsulto, pambabastos at kawalan ng respeto ang ginawa nilang ito kay De Leon. Ayos naman kung hindi nila ito choice na manalo pero yung hindi nila ito i-nominate ay matatawag na kapalpakan kasi parehong mahusay at superb ang performance nina Ate Vi at Boyet sa kanilang MMFF 2023 movie, kung saan 2 times ngang itinanghal na Best Actress si Ate Vi dito sa Pinas at Hollywood.

Saka hindi ba aware ang judges ng MIFF sa listahan ng awards ni Christoper? Ipaalala natin sa kanila at baka magulo ang kanilang mga utak. De Leon has won seven FAMAS Awards, including five Best Actor wins, for his movies: Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974) at Tatlong Taong Walang Diyos (1975) at iba pa. Also 4 Film Academy of the Philippines o LUNA Awards, 2 Gawad Urian Awards and a MMFF Hall of Fame Plaque. Speaking of When I Met You In Tokyo, number one topgrosser movie ito sa Manila International Film Festival sa Los Angeles, California. At may international screening na rin ito sa Italy, showing ito sa The Space Moderno Cinema sa Rome sa February 11, 2024 at 12:00 p.m. at sa Milan sa Feb. 18, 2024 sa Citylife Anteo, Screening 1: 10: a.m. at Screening 2-12:00 p.m. We heard na marami pa ang inquiries na ipalabas ito sa kanilang bansa.

Malayo na ang narating ng When I Met You In Tokyo na produced ng JG Productions ng mga baguhang producer na sina Ma’am Weng Jamaji at Mr. Rajan Gidwani.

***

LEVEL-up na ang singing and recording career ni Jules Graeser dahil this time ay kasama naman siya sa Valentine Concert ni Regine Velasquez titled:  “REGINE ROCKS” this February 13, 2024, 8:00 p.m sa Saban Theatre sa Beverly Hills, California. And for Jules, sobrang happy siya na mapabilang sa concert ng ating Asia’s Songbird na si Regine. Imagine, sa rami ng mga artist ay isa siya sa napili para maging part ng malaking konsiyerto na ito na produced ng ENTENG THE DRAGON PRODUCTIONS at ng STERLING VENUE VENTURES.



Although naka-work na niya ang ilan sa mga big local artist natin like Concert King Martin Nievera at Jay-R,  big honor talaga for Jules ang makasama si Regine sa Valentine Concert na ito na sold out na ang tickets. Well, sanay na si Jules na mag-perform sa malalaking venue lalo’t hindi lang siya singer kundi host ng sarili niyang talk show na “Chatterbox” na nasa Season 2 na at parte rin siya ng lumalawak at lumalaking CHIME TV kung saan may show rito na nag-iinterview ng mga guest mula sa larangan ng business, etc.

Natutuwa rin si Jules sa magandang feedback hindi lang sa LA kundi maging sa Pinas ng first released single niyang, “MAARI BANG IBIGIN KA? na written and composed by iconic composer Vehnee Saturno. Malakas ang dating ng OPM love song niyang ito na very catchy ang lyrics. Saka malaking factor yung kilala si Jules sa Los Angeles, California at napatunayan namin ito sa message na aming natatanggap na idol daw nila si Jules at pinapanood nila ang show nito sa CHIME TV at ang sariling talk show nito na  CHATTERBOX.

Available na sa Spotify, Apple Music, iTunes, Youtube and other Digital Music Platforms ang Maari Bang Ibigin Ka, ni Jules Graeser. Nakaka-proud ang nasabing International Recording Artist.