Advertisers
UMABOT na sa 35 ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa Maco, Davao de Oro.
Sa ulat ng Davao de Oro provincial government, nitong Sabado ng gabi ay 35 na ang nakuhang bangkay habang may 77 pa ang hahanap.
Kaugnay nito, hinikayat ng provincial government ang mga kaanak ng biktima ng landslide na kilalanin at i-claim na ang mga labi.
Sa abiso ng Davao de Oro PLGU, ang mga kaanak ay maaaring lumapit sa Management of the Dead and the Missing Person (MDMP) na nasa incident command post.
Habang ang mga may kaanak pang nawawala ay pinayuhang magpa-blotter sa desk ng PNP para maging opisyal ang deklarasyon ng pagiging missing person nito.
Sasailalim din ang kaanak sa Ante-Mortem Data Collection at ipapasa sa Disaster Victim Identification (DVI) ang mga nakolektang data para ihambing sa mga labi ng narekober ng bangkay para sa pagkilala sa mga ito.
Kinakailangan din na may pagkakakilanlan o patunay na ang nag-report ay kamag-anak ng nawawalang biktima at kasama rin ang mga dokumentong nagpapakilala sa biktima tulad ng mga picture, ID, finger prints, dental records at iba pa.
Samantala, sinabi ni Davao de Oro Executive Assistant on Information and Communications Edward Macapili na hihigpitan na ang pagpapatupad ng no-build zone policy sa mga lugar na prone sa landslide.