Advertisers

Advertisers

2 top NPA leaders todas sa bakbakan

0 15

Advertisers

NAPATAY sa engkwentro ang dalawang lider ng New People’s Army sa Barangay Tinag-an, Albuera, Leyte nitong Sabado, Pebrero 10.

Tinukoy ni Brigadier General Noel Vestuir, commander ng 802nd Infantry Brigade, ang mga nasawi na sina Rolando Caballera, executive committee member; at Crispolo Agunos Jr., miyembro ng Eastern Visayas Regional Party Committee.

Ani Vestuir, napatay ang mga ito sa 15 minutong sagupaan laban sa 93rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Battalion.



Aniya, nangingikil ang mga rebelde sa mga sibilyan at plano pang pumatay ng uniformed personnel at mga dating rebelde.

Bilang miyembro ng executive committee, si Caballera ang mastermind sa pagpatay ng ilang dating kasamahan na sumuko na sa awtoridad.

Mayroon siyang standing warrants of arrest sa iba’t ibang krimen at 15 counts ng murder na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 18 sa Hilongos, Leyte.

Samantala, narekober ng mga awtoridad ang 2 caliber 5.56 M16 rifles, isang caliber .45 pistol, mga personal na gamit, at subersibong dokumento na naiwan ng iba pang rebelde na nakatakas. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">