Advertisers

Advertisers

$14B investment pledges mula sa foreign trips ni PBBM naisakatuparan na – DTI

0 4

Advertisers

BUONG pagmamalaking iniulat ng Department of Trade and Industry (DTI) na nasa $14 billion investment pledges na nakuha mula sa Presidential foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa nakalipas na 16 na buwan ay kasalukuyang naisasakatuparan na at nagpapalakas sa posisyon ng Pilipinas bilang pangunahing investment destination para sa mga dayuhang negosyo sa Asya.

Kapansin-pansin, na ang mga pagbisita ni Pangulong Marcos Jr. sa pangunahing bansa ay naging napakahalaga sa pagbuo ng seryosong interes sa pamumuhunan sa Pilipinas.

Base sa datos ng DTI, as of December 2023, ang ahensiya ay nakapagtala ng $72.2 bilyon na pamumuhunan sa iba’t ibang yugto, na binubuo ng 148 na proyekto.



Kabilang sa mga ito, ang 46 na proyektong kinasa-sangkutan ng $14.2 bilyon ang naisagawa na – ibig sabihin, nagpapatakbo o natapos na ang proseso ng pagpaparehistro ng proyekto sa mga ahensya.

Ang mga pamumuhunang ito ay sumasaklaw sa iba’t ibang sektor, tulad ng pagmamanupaktura, IT-BPM, renewable energy, imprastraktura, transportasyon at logistik, agrikultura, at tingian.

Sinabi ni DTI Sec. Alfredo Pascual, ang manufacturing sector ang may pinaka malaking share sa nasabing proyekto.

Ang pinakamahalagang bansa bilang investment sources ay ang Japan na may katumbas na 21 proyekto at ang U.S. ay may 13 proyekto.

Samantala, ang mga dayuhang mamumuhunan ay nagsasagawa pa rin ng pre-implementation at pagpaplano ng mga aktibidad sa kani-kanilang mga bansa para sa natitirang 102 proyekto na kinasasangkutan ng $58 bilyon sa investment pledges.