Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA interview ni Maris Racal sa ABS-CBN News, sinabi niya na malaking pressure sa kanya kapag tinatawag siyang The New Rom-Com Queen. Nagpakatotoo ang dalaga sa pagsasabing parang hindi pa niya deserve ang tawaging bagong reyna ng romcom sa Philippine showbiz.
Ito’y sa gitna nga ng tinatamasang kasikatan ng tambalan nila ni Anthony Jennings sa hit ABS-CBN series na Can’t Buy Me Love, na pinagbibidahan ng loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Sey ni Maris, hindi naman daw siya nape-pressure sa loveteam nila ni Anthony, mas pressured daw siya sa titulong Rom-Com Queen ng bagong henerasyon.
“Ayun ‘yung nakaka-pressure! Kasi this country sobrang love nila ang rom-com parang hindi ko pa keri ‘yung crown!’ katwiran ni Maris.
Inamin din niya na hindi niya ini-expect na magiging mainit ang pagtanggap ng manonood sa tambalan nila ni Anthony sa Can’t Buy Me Love kung saan ginagampanan nila ang mga karakter nina Irene Chiu at Snoop.
Ngayon nga ay tinatawag na sila ng kanilang mga fans na “SnoopRene” at talagang palaging trending ang mga nakakakilig at nakaka-good vibes nilang mga eksena sa serye.
“Actually until now hindi ako makapaniwala kasi it was all unplanned. Nagkaroon lang kami ng eksena na nakaapak ako ng poop and natuwa naman ako.
“Kasi hindi naman laging may makakatambal ka na magwo-work and ‘yung humor niyo and very happy ako sa support ng mga tao.”
Kino-consider din ng dalaga ang karakter niya sa “CBML” na biggest role niya to date, “There are different categories kasi sa teleserye.
“The first I played sa ‘Pamilya Ko’ si Peachy Magbunga, and then ito naman, dumating si Irene. I think I can say na ito na biggest role ko sa teleserye.”
At tungkol nga sa kasikatan ng loveteam nila ni Anthony, wala naman daw siyang napi-feel na pressure, in fact, excited pa nga siya sa mga susunod na kaganapan sa “SnoopRene.”
“I don’t feel any pressure naman, hindi ako nape-pressure, na ha-happy ako every time may scenes kami ni Anthony.
“Parang very challenging in a good way, na gandahan natin kaysa sa last. So looking forward ako palagi,” aniya pa.
***
NALOKA ang bumubuo ng isang award giving body sa isang female singer. Paano kasi, sa naganap nilang awards night, nanalo ang female singer sa dalawang mataas na category. Pero, hindi ito nakarating para tanggapin ang kanyang awards.
Nang ipaalam sa kanyang management ang pagkapanalo niya, ang sabi nito, may importanteng event daw na dadaluhan si female singer na kasabay ng awards night, kaya hindi ito makakarating.
Pero nalaman ng award-giving body, na ang sinasabing importanteng event na dadaluhan ni female singer ay birthday lang pala ng isang kaibigan nito. At ang selebrasyon ay ginawa malapit lang sa venue ng awards night.
Ang ikinaloka nga ng bumubuo ng award giving body, ‘yung mas pinili pang puntahan ng female singer ang birthday ng kanyang kaibigan kesa personal na tanggapin ang kanyang awards. Sana man lang daw ay pumunta muna ito sa awards night bago dumiretso sa birthday ng kanyang kaibigan. Hindi man lang daw nito pinahalagahan ang kanyang awards.
Kaya naman, nagsisisi tuloy ang nasabing award giving body na ipinanalo pa siya. Sana raw pala ay iba na lang ang ipinanalo nila at hindi si female singer.
Sino si female singer? Produkto siya ng isang malaking singing contest sa telebisyon.