Advertisers
HINAHANAP ngayon ng mga awtoridad ang may-ari ng isang SUV na inabandona na may kargang P28 milyong halaga ng marijuana at shabu sa bahagi ng Mosimos, Dupag, Tabuk City, Kalinga.
Nasamsam ng Tabuk City Police Station ang 205 marijuana bricks, 45 tubular at 25 vacuum sealed dried marijuana na aabot sa P28,050,000 ang halaga.
Anim na gramo pa ng shabu ang nakuha na nagkakahalaga ng P40,800, at nakakuha rin ng ilang non-drug items kabilang ang isang itim na backpack, 2 plaka ng sasakyan at SUV kun saan natuklasan ang mga kontrabando.
Pinangunahan ang operasyon ng Tabuk City Police Station at SOU 14 katuwang ang 14SAB 141SAC PNP SAF, 2nd KPMFC, PIU/PDEU, RID, PIT Kalinga, 150rd RMFB 15, Tinglayan MPS at PDEA Kalinga.
Pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang mga nasamsam na kontraband, habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang nagmamay-ari ng naturang sasakyan.
Matandaang ilan milyong halaga din ng inabandonang marijuana sa ilalim ng tulay sa Tabuk City ang nadiskubre ng mga awtoridad kamakailan.(REY VELASCO)