Advertisers
NASAWI ang isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at isang drug suspect nang mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation sa General Santos City.
Sa ulat, ikinasa ng mga awtoridad ang operasyon laban sa drug suspect na si Pablito Polancos, 39 anyos, sa Barangay Labangan nitong Sabado ng madaling araw.
Nagpositibo ang operasyon pero binaril ni Polancos ang PDEA agent. Gumanti naman ng putok ang mga operatiba na ikinamatay din ng target.
“Nanlaban at natamaan ang ating operative o agent ng PDEA of course nung retaliation, napatay din natin ang suspek,” sabi ni Police Colonel Nicomedes Olaivar Jr., Director, General Santos City Police Office.
Nanatid na nasa drug watchlist ng pulisya at PDEA si Polancos.