Advertisers

Advertisers

P6.9m shabu nasamsam sa Lanao del Sur

0 5

Advertisers

NASAMSAM ng mga alagad ng batas ang P6.9 million na halaga ng shabu sa isang dealer na na-entrap sa Barangay Bugaran, Poona Bayabao, Lanao del Sur nitong Martes, February 6, 2024.



Kinumpirma nitong Miyerkules ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na nasa kustodiya na ng PDEA-BARMM ang suspek na si Lawa Pitila Abedin, 47 anyos, na nabilhan ng mahigit isang kilong shabu ng mga ahente ng anti-narcotics agents sa naturang operasyon.

Hindi na pumalag si Abedin nang arestuhin ng magkasanib na mga kasapi ng PDEA-BARMM at ng Lanao del Sur Provincial Police Office matapos magbenta sa mga ito ng bulto ng shabu sa isang lugar sa Barangay Bugaran.