Advertisers
Inamin ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda na may ginagawa silang loyalty check sa mga police commanders sa Mindanao.
Ito’y kasunod ng panawagang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Sinabi ni Acorda batay sa kanyang pakikipag-usap sa mga police officials and commanders, kanilang sinabi na ayaw na nilang bumalik sa dati.
Aniya, maraming sakripisyo na rin ang mga pulis at maging ang mga sundalo sa Mindanao lalo na ang pagpapanatili ng kapayapaan at ngayon ay nakamit na ito.
Binigyang-diin ng mga police officials na bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan.
Kumpiyansa naman si Acorda na hindi magpapadala ang mga pulis sa Mindanao sa nasabing panawagan.
Sa tanong kung maaring kasuhan ng sedition si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang pahayag na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas, sagot naman ni Acorda na kanila ng ipinauubaya sa Department of Justice ang nasabing asunto.
Samantala, sa panig naman ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos, malabo ang Mindanao secession dahil labag ito sa konstitusyon.
Binigyang-diin ni Abalos, na buhos ang suporta ng mga Mindanaoan leaders na ayaw ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Samantala,maugong din ang mga bali- balita na bubuwagin na rin ng AFP ang 700- man Task Force Davao base umano sa rekomendasyon naman ni First Lady Liza Araneta Marcos kay AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr.
Ang utos na direkta umanong ibinigay ni FL Lisa sa AFP ay verbal at di dumaan sa kaalaman ni PBBM ayon pa sa ating sources.
May ugong din na any time now ay posibleng i- served ang warrant of arrest laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kaso nito sa International Criminal Court (ICC).
Una nang sinabi ng Marcos administration na hindi nila papapasukin ang ICC sa bansa dahil direktang pakikialam ito sa judicial process ng Pilipinas.
Ngunit base naman sa mga impormasyong nakakalap ng kampo ng mga Duterte, lihis ang mga deklarasyong ito ng gobyerno at noong isang taon pa palihim na gumugulong ang imbestigasyon ng ICC dito sa bansa laban kay FPRRD.
Senister o napakasama ng patagong planong ito ng Marcos government ayon naman kay former presidential spokesman Atty.Harry Roque.
Magiging madugo sa kasaysayan ng bansa ang mga magiging kaganapan saka-sakaling matuloy ang pag- aresto sa dating pangulo.
Isang malaking katrayduran ito sa pagsasamang puwersa ng Pangulong Bongbong Marcos at Bise Presidente Sara Duterte na anak naman ng dating Presidente Duterte sa ilalim ng tinaguriang UniTeam..
“Eh di subukan nila.Let them test the waters”, pahayag pa ni Roque.
Sa paningin natin mga kabayan, malaking gulo ito na posibleng mauwi sa isang civil war.
Kung saka- sakali,dito natin mararanasan ang pakikigiyera ng mga Pilipino kontra Pilipino.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com