Advertisers

Advertisers

DAVAO OCCIDENTAL TIGERS COCOLIFE MAY KIKIG PA SA PSL

0 6

Advertisers

NASA hindi nakasanayang sitwasyon ang katayuan ng champion caliber na Davao Occidental Tigers Cocolife na defending champion ngayon ng Pilipinas Super League( PSL) President’s Cup.

Ang Tigers team na pagaari ng Bautista clan sa Davao Occidental at suportado nina Cocolife president/ CEO Atty Jose Martin Loon ,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Atty. Elmore Omelas ay tangan ngayon ang 5-4 kartada na ngayon lng nangyari sa powerhouse at champion caliber team mula Mindanao lalo sa elimination round kung saan ay halos walisin nila ito noong mga nakaraang liga sa MPBL at PSL.

Gayunpaman ,di pa naman panic time para kay team manager Arvin Bonleon dahil babawi’t babalikwas ang Tigers lalo pag nasa panganib na talaga.



Sa mga nakaraang season kasi ,ang Davao Occidental Cocolife ay may matitinik na beteranong slashers,shooters na mga asintado sa tres at pader na depensa kumpara ngayong halos puro bagito maliban sa ilang holdover kung kaya dapat nang mag -step up ang mga bagong pangil ng Tigers para maramdaman ng kalaban na malakas pa at matalim ang mga Tigreng kinatakutan sa liga.

Optimistiko si Bonleon na mananagpang na ng matalim ang mga tigers na sina Jun Manzo,Ryan Costelo, Winston Ynot, Bon Custodio, Balong Marquez, Mark Olayon, Kurt Lojera, Josh Flores, Justine Sanchez, Bam Gamalinda, Jr Ongtengco, Kelly Nabong, Noel Bonleon, at RR de leon.

Aangat din ang motibasyon mula sa bench nina headcoach Manu iñigo at assistant coaches coach Andy Mejos coach Noli mejos coach Nonoy Bonleon coach James bartolomecoach Onelle at coach VL SandaloAssistant team manager siJoey Protacio .

“Hear the Tigers roar once more”,optimistikong wika ni Bonleon. (Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">