Advertisers

Advertisers

6 NASAWI, 31 SUGATAN, 46 MISSING SA LANDSLIDE SA DAVAO DE ORO

0 6

Advertisers

NASAWI ang anim katao at 31 ang sugatan sa landslide sanhi ng walang tigil na pagbuos ng ulan sa Maco, Davao De Oro, ayon sa Maco Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Sa initial report ng MDRRMO, 6 bangkay ang narekober ng mga otoridad sa pagpapatuloy na search and rescue sa landslide sa Barangay Masara.

Samantala, 31 ang nasagip na pawang nagtamo ng pinsala sa katawan ang dinala sa pagamutan.

Kaugnay nito, 46 katao ang nawawala na patuloy na hinahanap ng mga rescue team, habang 758 pamilya ang inilikas sa mga evacuation center.

Natabunan naman ang tatlong bus ng lupa sa landslide.

Ayon kay Edward Macapili, ang executive assistant on information and communications ng Davao de Oro, lulan ng mga bus ang mga empleyado ng minahan sa lugar.

Pauwi na ang mga minero nang madale ng landslide sa Zone 1, Masara.

Nagpapatuloy pa ang rescue and retrieval operation ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at provincial rescue team.

Bago ang lanslide, nagtala na ang Davao de Oro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng 21 nasawi sa malawakang pagbaha dulot ng ilang araw na pag-ulan sa lugar.(Mark Obleada)