Advertisers
NADISKUBRE ng pulisya ang mga bangkay ng tatlong lalaki, dalawa sa mga ito menor de edad, na pawang biktima ng kilabot na Concepcion Criminal Gang sa Barangay Macabugos, Libon, Albay.
Ayon kay Police Lt. Colonel Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, isang concerned citizen ang nag-tip sa Libon Municipal Police Station (MPS) hinggil sa ibinaong tatlong lalaki sa madamong bahagi ng Sitio Tagbac, Brgy. Macabugos.
Napag-alaman na Disyembre 30, 2023 pa nawawala ang mga biktima na residente din ng Barangay Macabugos.
Matatandaang Enero 24, 2024 ay napatay ng pulisya si Gilbert Concepcion, ang lider ng gang, at isa pang miyembro sa Sitio De Asis, Barangay San Martin De Porres, Parañaque City.
Tinagurian si Concepcion na number 1 most wanted person ng Bicol region at may malaking pabuya sa kanyang ulo.
Base sa ulat ng pulisya, napakarami nang pinatay ng grupo ni Concepcion partikular sa lalawigan ng Albay at Camarines Sur.