Advertisers

Advertisers

Rep. Chua, umaasang binigyang pagkilala din ang San Sebastian Church bika Minor Basilica

0 9

Advertisers

UMAASA si Congressman Joel Chua, kinatawan ng ikatlong distrito ng Maynila kung saan kabilang ang Quiapo, na mabibigyag pagkilala din ang Isang high profile na simbahan na kinakain na halos ng kalawang, gaya ng pagkilalang iginawad sa Quiapo Church bilang national shrine na kumumpirma rin sa estado ng Simbahan bilang Minor Basilica at siya ring focal points ng debosyon ng Katoliko sa Itim na Nazareno.

“Yes, as we see every time during the Traslacion of the Jesus Nazareno, this fervent devotion is intensely physically demonstrative, rooted in prayer, by people, though flawed, strive to live Christian lives the best they can, given the realities of daily life,” pahayag nito.

Idinagdag din ni Chua na :”My own prayer and hope is that the intensity manifested every Traslacion is manifested in equally fervent action in the family, community, and nation as frequently as humanly possible by the same striving devotees.



Samantala umaasa si Chua na ang Minor Basilica of San Sebastian sa Quiapo, na nag-iisang simbahan sa bansa at sa buong asya na gawa sa bakal, ay kikilalanin din ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang heritage site upang ito ay maibalik sa dati nitong porma.

“Kinakalawang na ang mga bakal at ang dami na ding bukbok sa loob. ‘Yung altar umaatras na,” sabi ni Chua, na nagsabi rin na mahalagang bahagi ng Quiapo ang San Sebastian Basilica lalo na sa mga taal na residente na ipinanganak at lumaki sa nasabing lugar at mas espesyal na karanasan sa Simbahan tulad ng kasal at binyagan.

Nagpahayag din ng pagkatakot ang Konggresista na kapag lumindol ay maaari ding danasin ng San Sebastian, na nasa Plaza Del Carmen sa silangang dulo ng Recto Avenue sa Quiapo, Manila ang dinanas ng ilang mga makasaysayang simbahan na tuluyan ng gumuho at nasira.

Napag-alaman kay Chua na napakalaking halaga ang kailangan upang maibalik sa dati ang San Sebastian Church at kahit ang national budget ay hindi nito kakayanin, kaya naman ang UNESCO declaration ng San Sebastian Church bilang world heritage site ay lubhang mahalaga.

Ayon kay Chua, tinutulungan ng UNESCO ang World Heritage sites pinapanatili nito ang outstanding universal value bilang unique landmark na may dakilang kasaysayan, pisikal at kahalagahang kultural.



Ang World Heritage Site ay isang landmark o lugar na may legal na proteksyon mula sa international convention na in -administere ng UNESCO na sila ring nagtatalaga sa lugar kung ito ay World Heritage dahil sa pagkakaloon nito ng cultural, historical, scientific o iba pang uri ng kahalagahan. Ang lugar ay hinuhusgahan kung ito ay nagtataglay ng “cultural and natural heritage around the world considered to be of outstanding value to humanity.”

Itinayo noong 1891, ang San Sebastian Church ay bantog sa arkitektura nito at ito ay isang uri ng Gothic Revival architecture sa Pilipinas.

Dahil ito lamang ang nag-iisang gusaling Simbahan sa Pilipinas na gawa sa bakal, ito ay itinalaga bilang National Historical Landmark noong 1973 at bilang National Cultural Treasure noong 2011. (ANDI GARCIA)