Kampanya kontra sexual predators, inilunsad ng BI
Advertisers
INILUNSAD ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes ang isang kampanya kontra sa mga sexual predators.
Sa isang seremonya na ginanap sa GSIS Theater sa Pasay City, pinangunahan ni BI Commissioner Norman Tansingco ang paglulunsad ng Project #ShieldKids Campaign, na tatlong bahaging kampanya ng ahensya upang labanan ang tumataas na bilang ng mga sexual predators. Kasama ni Tansingco sa pagtitipon sina Deputy Commissioners Joel Anthony Viado at Daniel Laogan.
Si Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) Head Undersecretary Nicholas Felix Ty ang guest speaker ng pagtitipon. Dumalo rin sa paglulunsad si Undersecretary Angelo M. Tapales ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Layunin ng Project #Shieldkids na pagsamahin ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan laban sa mga sex offenders sa bansa sa pamamagitan ng pag-i-institutionalize ng network of communication sa mga ahensya ng gobyerno na siyang nag-iimbestiga at nanghuli ng mga pedophiles at traffickers.
Nais pa ng proyekto na gawing mas solido ang kampanya ng BI laban sa sexual predators na dapat unahin ang kaso laban sa mga banyaga na maaaring sangkot sa sex trafficking ng mga bata.
Bilang panghuling bahagi ng kampanya, ang BI ay nagbukas ng Commissioner’s helpline via Facebook.com/immigration.helpline.ph, na humihikayat sa mga concerned citizens na i-report ang potensyal na kaso ng child exploitation and abuse kung saan sangkot ang foreign nationals.
Sinabi ni Tansingco na kailangan ng matinding pagbabantay kontra child exploitation matapos makitaan na tumataas ang pagtatangka ng mga registered sex offenders na makapasok ng bansa.
Noong 2023, may 171 foreign nationals hinarang at hindi pinapasok ng bansa ng BI, sila ay mga nahatulan na sa sex crimes, o wanted sa nasabing kaso.
Ilan sa mga naarestong pedophiles sa bansa nitong nakaraang Disyembre na umagaw ng pansin ay si Theddy Douglas Tissier na isang French national. Gayundin ang matagumpay na pagkakahuli ng octogenarian pedophile na si David John Buckley sa Cebu nitong nakaraang Nobyembre.
“The threat against our children is real and is here. With the reopening of the country’s borders post-pandemic comes the rise of attempts of sexual predators to enter the country,” sabi ni Tansingco.
“We must protect those who rely on us for their safety,” dagdag pa nito.
Hinikayat ni Tansingco ang mga mamamayan na agad na i-report sa BI ang mga sexual predators na maaaring nasa barangay lamang.
“By protecting our children, we defend our future,” sabi ni Tansingco.
“Let us all do our share in protecting the most vulnerable from these undesirable aliens,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN/ JOJO SADIWA)