Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI maiiwasan if ever na magkrus or magkita muli sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Pabalik na nga raw kasi ng Pinas o nandito na si Tom sa bansa.
May tsikang balik work na muli ito sa bakuran ng GMA-7. At dahil knows naman ni Carla na artista ang dating asawa na si Tom at Kapuso pa rin.
Kaya di malabo na magkaroon sila ng project together.
Sa panayam naman kay Carla ay tila totally move on na ito sa nangyaring split nila ni Tom.
***
LAKING gulat ni Julia Barretto nang malaman na di lang pala ang mga tiyahin nitong sina Gretchen at Claudine Baretto ang nakapareha ni Aga Muhlach.
Ultimo pala ang nanay nito na si Marjorie Barretto ay nakatambal ni Aga.
Sa pag-alala nga ay love interest din daw si Marjorie sa 1994 film nila ni Aga.
Sey pa ni Julia na hindi pa raw siya isinisilang ng mga panahon na yan dahil 1997 nang ipanganak siya.
At sa tsika ay ito nga raw ang film na Forever nina Aga at Mikee Cojuangco.
Tsika ng netizens na natuhog daw pala ni Aga ang Barretto sisters at kahit ang Batang Barretto ay nakapareha na rin ng tatay nina Atasha at Andres Muhlach.
Well, well, well …’Yun na!