Advertisers

Advertisers

Katrina nagluluksa sa pagpanaw ng dyowa

0 12

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NOON pa nabanggit ni Katrina Halili sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda na happy ang lovelife niya dahil natagpuan niya ang kanyang bagong inspirasyon sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Katunayan, katuwang daw niya ang boyfie sa pag-aalaga sa anak na si Katie.
Stubborn daw kasi ang kanyang anak at kung meron mang sumusuheto sa pagiging stubborn nito ay ang kanyang namayapang boyfriend.
Ang dyowa niya na isang dating pulitiko ay kasundong-kasundo rin daw ng anak niyang si Katie.
Sa kanyang Instagram page ay nagbigay ng maikling mensahe ang Kapuso actress sa kanyang sumakabilang-buhay na boyfriend.



Nag-post din ang Kapuso actress ng photo ng isang lalakeng hindi masyadong maaninag na tila palayo sa camera.
Sa kanyang caption ay ramdam na ramdam mo ang kanyang sobrang pagdadalamhati.
“Ang daya mo love sabi mo aalagaan mo kami ni katie… bakit iniwan mo kami,” ani Katrina.??
Sa kanyang IG Story ay nagbahagi rin ang aktres ng larawan nila ng BF.
Bago nagkaroon ng boyfriend si Katrina ay 8 years din siyang loveless dahil mas nag-focus siya sa pag-aalaga ng anak nila ni Kris Lawrence.

Nasa mindset daw niya noon na huwag nang mag-boyfriend dahil gusto niyang mag-concentrate na lang sa anak at sa kanyang karera.
Pero ang lahat daw ay nagbago nang ma-meet niya ang nasabing special guy.

***
MTRCB ipinagbawal ang pag-ere ng ‘Private Convos with Doc Rica’
IPINAGBAWAL ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong Martes, Enero 30, ang pag-ere ng Television (TV) program na “Private Convos with Doc Rica,” sa One News Cable Channel, dahil sa pagpapalabas nito ng episode na labag sa alituntunin ng MTRCB Rating.
Sa desisyon ng MTRCB noong Enero 24, sinabi nito: “Ipinagbabawal ng MTRCB ang programang pantelebisyon na ‘Private Convos with Doc Rica’ ng exportasyon, pagkopya, distribusyon, benta, upa, eksibisyon, at/o pag-ere sa lahat ng platform ng media sa ilalim ng hurisdiksyon ng MTRCB, epektibo sa oras na naging pinal ang desisyon.”

Sa Incident Report na isinabmit ng Monitoring and Inspection Unit (MIU) kay MTRCB Chairperson noong 24 Agosto 2023, ng “PRIVATE CONVOS WITH DOC RICA,” na inere sa One News Cable TV ng CIGNAL TV, idiniin na ang episode ay naglalaman ng mga usapin ng mga karanasan at mga sekswal na pantasya, kasama na ang paggamit ng hindi angkop na wika.
Nakatanggap din ang Board ng mga reklamo laban sa programa, na karamihan ay mula sa mga magulang.

Isang Notice to Appear ang inilabas noong ika-28 ng Setyembre 2023, na nag-uutos sa mga Respondent na magtestigo sa MTRCB Hearing and Adjudication Committee.
Nagpadala ang mga Respondent ng kanilang kinatawan at inutusan sila ng MTRCB na magsabmit ng kanilang position papers.



Matapos ang masusing pagsusuri sa kaso at ng mga position papers, napatunayang nilabag ng programa ang probisyon ng batas, partikular sa Seksyon 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986 (PD 1986) at Seksyon 2, Kabanata IV, kaugnay ng Seksyon 8, Kabanata V ng Implementing Rules and Regulations ng PD.
Mariing niresolba ng MTRCB na ang format ng programa ay naglalaman ng detalyadong tema sa sexual awakening ng mga bisita nito, na humantong sa tahasang pagkukuwento ng maselang karanasan, at gumamit pa ng mga wika na hindi angkop sa telebisyon.

Sinabi ni MTRCB Chairperson at Chief Executive Officer, Lala Sotto: “Mariin nating kinokondena ang anumang malinaw na paglabag sa batas. Kaakibat ng malayang pag brodkast ang responsibilidad. Hinihiling namin sa mga brodkaster at content creators na maging maingat at responsable sa kanilang mga proseso ng paglikha, na kumikilala sa impluwensya ng on-screen content.”
Ipinasya ng MTRCB na ang nilalaman ng episode na may mga tahasang termino, kasama ang magaspang na aksyon at mga ekspresyon ng host at ng mga bisita niya, sa konteksto ng programa, “ay nabibilang sa mga materyales na nakakatukso sa malaswang pananaw ng karaniwang tao.”

Bukod dito, hindi sang-ayon ang Board sa pahayag ng mga respondent na ang programa, sa kabuuan, ay may “edukasyonal at social value.”
Sinabi rin ng Board ang kahalagahan ng pagiging angkop ng medium at timeslot para sa pagpapalabas, anuman ang nilalaman ng mga episode, lalo na ang mga maselang usapan tungkol sa mga karanasang sekswal at ang paggamit ng hindi angkop na wika.