Advertisers
Ni BETH GELENA
KUMPIRMADO na hiwalay na umano sina Jericho Rosales at Kim Jones noon pang 2019.
Isang very close friend umano ng ex celebrity couple ang nagpatunay na 2019 pa raw hiwalay ang mag-asawa.
Kinasal sina Echo at Kim nu’ng May 1, 2014.
Matagal ding pinag-usapan sa showbiz circle na hiwalay na ang dalawa, pero deny to death ang actor kapag siya ay natatanong.
Kinumpirma ng isang malapit na kaibigan ng dating mag-asawa na hiwalay na sila noon pang 2019 na ikinabigla ng netizens.
Ang galing daw magtago sa tunay na relasyon ang dating mag-asawa.
Halos limang taon nilang itinago sa publiko ang totoong estado ng kanilang pagsasama.
Ang ninong nila sa kasal na si Ricco Ocampo, ang may-ari ng i2i eyewear, ang nagkumpirma na hiwalay na ang dating mag-asawa na Jericho at Kim.
Nakunan ng pahayag ng ABS-CBN News si Ocampo nitong January 29.
Ayon kay Ocampo, “very good friends” pa rin daw ang dalawa sa kabila ng desisyong tapusin ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
“Mutual decision” at “amicable separation” daw ang nangyari sa dalawa.
Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Ocampo ng dahilan kung bakit naghiwalay ang celebrity couple.
Sey ng kanilang ninong, “While the friendship between the two remains, they have decided it is time to lead separate lives.
“They are encouraging each other to grow, albeit in different directions. It was a mutual decision, an amicable separation, dealt with grace and maturity by both parties.”
Saad pa ni Ocampo: “The two are filled with gratitude for the memories they’ve made together and the lessons they’ve learned.
“They have journeyed through the separation with the utmost respect and care toward one another precisely because Echo and Kim are the best of friends and love each other like family.”
“This split is not borne out of ill feelings. On the contrary, one might say that it is a demonstration of their affection and respect, as Echo and Kim only wish the best for each other.”
Pagpapatuloy pa nito, “They are incredibly grateful for those who have supported them throughout the years, and appreciate the respect of their privacy during this time.”
***
SHARON NABABAHALA SA SAKIT; HUMILING NG DASAL
NABABAHALA si Sharon Cuneta sa lagay ng kanyang kalusugan.
Nag-post si Megastar ng saloobin kaugnay sa kanyang kalusugan.
Hindi raw siya iniiwan ng ubo at bukod pa dito ay nakararanas daw siya ng bad congestion. Aminado siyang nangangamba matapos ang kanyang mga iniinda mula noong magpunta silang pamilya sa Seoul Korea para ipagdiwang ang kanyang kaarawan.
Hiling niya kung maari raw ay isama siya dasal na maging maayos ang lagay ng kanyang kalusugan.
“Please, if you can pray for me?”
Nakatakdang sumailalim sa MRI dahil sa nakitang resulta sa dati niyang test.
“Am also scheduled for an MRI asap because my former MRI results from years ago showed that I have a torn ligament on my right knee, plus a pinched nerve on my lower back.
“Lord kaya ko ito, mawawala na din ang iniinda ko.” Umiika-ika na raw siya kahit nung nagpunta sila sa South Korea nitong buwan.
“I’ve been limping since our trip to Seoul from January 2-10 for my birthday and it’s just gotten worse so am scared. May I ask for your prayers please?x Nagpasalamat naman siya sa lahat ng kanyang supporters.
“I appreciate you all so much and think of you, my IG family. Go Sharmy! God bless you all. I love you!”
***
MARIEL FRESH AT LOOKING YOUNG KAHIT NAGKAKAEDAD
MAY bagong posted video si Mariel Padilla sa kanyang Instagram account.
Aniya “get ready with me (GRWM).
Ang nasabing video ay naghahanda ang dating TV host para um-attend ng premiere night ng My Sassy Girl, ang K-movie Pinoy adaptation na may same title.
Ang daming humanga sa beauty at youthful glow ng misis ni Senator Robin Padilla.
Ang MSG ay pinagbibidahan ng kaibigan niyang si Toni Gonzaga kapareha si Pepe Herrera.
Ayon kay Mariel, ang kanyang make-up artist assistant ay natest na positibo sa COVID kaya siya na ang nag-make up sa sarili.
Kaya nilagyan niya ng caption ang video na “GRWM: sariling sikap s
edition” kung saan agad itong nag-viral.
Aniya, “Attending tonight’s red carpet premiere of My Sassy Girl soooo excited!!! But my make up artist’s assistant tested positive for COVID so GRWM sariling sikap edition haha.”
Ang komento ng mga netizens ay iisa.
Very confident daw ang celebrity sa kanyang fresh looking at youthful, with some saying she doesn’t look her age at all.