Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
PARA kay Janice de Belen, wapakels lang siya sa mga artistang hindi marunong bumati sa mga artistang nakakatrabaho nila sa teleserye at pelikula. Hindi big deal para sa kanya kung may mga nakakatrabaho siya na hindi marunong bumati at magbigay-galang sa mga senior stars, lalo na ‘yung mga kabataang dinadaan-daanan lang siya.
“Dinadaanan ko rin sila. Actually, deadma ako sa ganyan. Ako, deadma. Ayaw ninyo, ayaw ko rin,” sabi ni Janice sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.
Pero may pagbabanta ang award-winning actress sa mga youngstars na makakatrabaho niya in the future.
“Huwag lang silang magkamali sa lines nila. Kailangan kapag magkaeksena tayo, huwag kang magkamali,” warning ni Janice.
Natanong din ang aktres kung may mga nakatrabaho na siyang kabataang artista na nakakalimot ng mga dialogue kapag take na.
“Madami! Dyos ko,” mabilis na sagot ni Janice.
Ang ginagawa raw niya sa mga ganitong sitwasyon, ume-exit na lang daw muna siya.
Tapos sasabihin niya sa production staff,”Dito muna ako, ha? Unahin niyo na muna iyan.’
“Or sasabihin ko sa AD (assistant director), ‘Tawagin ninyo ako pag memorized na niya (yung dialogue niya),’” sabi pa ni Janice.
Pagsasabihan ba niya ang ganu’ng artista?
“Kung apologetic naman siya, doon ko na lang sa AD sasabihin. Ngayon, kung suplada pa siya, Lord, help me, give me more patience.”
Dagdag ni Janice, “Ako, huwag lang magkamali. Kasi, di ba, tina-try mo naman sila tulungan as much as possible.”
Bwisit na bwisit din si Janice sa mga nagdadala ng cellphone na nakalagay sa bulsa kapag take na nila, “Mahirap kasi yung kaeksena mo may cellphone sa bulsa. Ako, sinasabi ko, ‘Madi-distract ka, e.’
“Nadi-distract ako kasi, unang-una, maririnig yung vibration sa lapel. Second, magka-cut si Direk. So, uulitin natin ito (eksena),” aniya pa.
Ikinumpara pa niya ang mga senior stars sa mga batang artista ngayon, “Mas seryoso ang mga tao, mas nag-aaral ng script.”
Yung ibang youngstars at mga baguhan daw ay nagba-vlog sa gilid ng set, may nagti-TikTok sa kabilang side at may kausap naman sa cellphone ang iba.
***
FEELING ng veteran actress na si Chanda Romero ay isa siyang taong may sakit na ketong na nakakahawa noong kanyang kabataan. Habang lumalaki raw kasi siya ay iniiwasan siya ng mga kababayan nila sa Cebu dahil sa pagiging produkto ng broken family. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon siyang iwan ang Cebu at makipagsapalaran na lang sa Maynila.
“What happened to me was I think I had the misfortune of being born three going on 33, meaning I was so precautious.
“I could see things and absorb things that no child should absorb, conversations and fights that I would overhear about other women as early as three. And I would retain that,” rebelasyon ni Chanda sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa show nitong Fast Talk with Boy Abunda
Pagbabahagi ni Chanda kay kuya Boy, pito silang magkakapatid at 12 years old pa lang daw siya nang iwan sila ng kanilang tatay.
“Sa eskuwelahan namin, eskuwelahan ng mga madre, exclusive girl school, I was an outcast, because the parents of my classmates would go, ‘Do not associate with her, because she is a product of a broken family’ like you were a leper.
“It was like being a leper, like you have this contagious disease,” kwento pa ng beteranang aktres.
Nasa second year high school na raw siya nang tumigil siya sa pag-aaral at umalis ng Cebu para magtungo sa Maynila para ipagpatuloy doon ang kanyang buhay.
“What could someone with no high school diploma, what would I be doing here in Manila? I had no answers for that, I had no plans, I just wanted to get out of there.
“I had to get out of Cebu. I ran away from home, I quit school. I came to Manila with only 50 bucks not knowing what I was going to do here,”
Hanggang sa mapasok na nga siya sa mundo ng showbiz nang ma-discover ng Tagalog Ilang-Ilang Productions habang nagmo-model.