Advertisers

Advertisers

Roger Gorayeb balik sa PVL

0 21

Advertisers

BABALIK ang beteranong coach Roger Gorayeb sa Premier Volleyball League (PVL).

Hahawakan ni Gorayeb ang bagong team sa pro league Capital1 Solar Energy na pumalit sa binuwag na F2 Logistics Cargo Movers.

Ang sexagenarian ay nakatakdang gabayan ang Capital1 Power Spikers na magkakaroon ng open tryout Martes at Miyerkules sa San Sebastian College- Recoletos (SSC-R) Gym.



Si Gorayeb ang coach ng nasabing school, kanyang alma mater, sa NCAA women’s volleyball tournament.

Huling stint ni Gorayeb sa PVL ay noong 2021 PVL Open Conference ng gabayan ang PLDT High Speed Hitters.

Iniwan nya ang team 2022, matapos ang walong taon sa franchise na kanyang pinamunuan sa dalawang championship na ang PVL ay dala pa ang pangalang Shakeys V-League.

Pinamunuan rin ni Gorayeb ang binuwag na BaliPure sa 2017 Open Conference championship.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">