Advertisers
HINAMON ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa si Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. na magpakalalaki kung ano ang stand nito sa pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa ‘war on drugs’ ng nakaraang Duterte administration kungsaan nahaharap ang dating pangulo pati ang senador at ilan pang mga dating opisyal sa charges ng ‘crimes againts humanity’.
Si Bato ang PNP Chief ni ex-President Rody “Digong” Duterte nang ipatupad ang ‘war on drugs’, kungsaan sinabi ng human rights groups na higit 30,000 ang napatay kabilang ang mga inosenteng napagkamalang drug suspects, pero sa datus ng Philippine National Police higit 5,000 lang ang naging biktima ng extrajudicial killings.
Bukod kina Duterte at Bato, sinasabing kabilang sa mga isinasangkot sa war on drugs sina Vice President Sara Duterte-Carpio, ex-House Speaker Bebot Alvarez, ex-DILG Sec. Ismael Sueno, ex-DoJ Dec. Vitaliano Aguirre, ex-Police Colonel Edilberto Leonardo, Police Col. Royina Garma, ex-NBI Director Dante Gierran, ex-Solicitor General Jose Calida, at SPO4 Sonny Buenaventura.’
Si Buenaventura ang tinukoy ni retired Police Sgt. Arturo Lascanas na kasama niyang “hitmen” ng Davao Death Squad (DDS) nung alkalde pa si Digong.
Si Col. Leonardo naman ang umano’y may hawak ng liquidation team sa extrajudicial killings.
Sa naging hamong ito ng Senador sa Pangulo, ang tugon ni PBBM: Hindi niya papayagan ang ICC na magsagawa ng mga imbestigasyon sa bansa. Maaari lamang aniya pumunta sa Pilipinas ang mga taga-ICC bilang turista. Pero kapag nag-imbestiga o nagtatanong na ang mga ito hinggil sa extrajudicial killings ay hindi sila welcome. Inatasan na aniya ang mga awtoridad na huwag sagutin o makipag-coordinate sa anumang isasagawang imbestigasyon ng ICC.
Sinasabing nasa Pilipinas na ang ICC simula pa 2023.
Ayon sa dating presidential spokesman ni Duterte na si Atty. Harry Roque, may kutob siyang maglalabas ng desisyon ang ICC bago matapos ang taon 2024. Ito ang rason kaya nagpapanik na ang mga dating opisyal ni Digong. Araguy!!!
***
Matindi itong ibinunyag ng isang Chinese national na naging biktima ng kidnapping noong Agosto 2022 pero nagkaroon lamang ng lakas ng loob na lumapit sa Department of Justice noong Hulyo 2023.
Sabi ng biktimang si alyas “Eric” dinukot siya ng mga armadong kalalakihan habang nagbabakasyon siya sa isang beach sa Batangas. Hiningan daw siya ng P4 milyon pero ‘di ito nag-materialize. At nagulat siya nang dalhin siya sa isang himpilan ng pulisya sa Taguig. Mga pulis daw pala ang dumukot sa kanya at nalamang ang nagpadukot sa kanya ay business partner niya sa POGO.
Binubusisi na ito ngayon ng DoJ. Wasak na naman ang PNP!