Advertisers

Advertisers

Bong Go: Voter’s registration, ‘wag ikompromiso

0 7

Advertisers

Nanindigan si Senador Christopher “Bong” Go na dapat protektahan ang interes at karapatan ng mga Pilipino sa pagboto sa pamamagitan ng pagtiyak na hindi makokompromiso ang rehistrasyon ng mga botante, lalo ng mga bagong aplikante.

Ginawa ni Go ang pahayag na ito sa gitna ng mga hakbang na unahin ang beripikasyon ng mga pirmang isinumite sa Commission of Elections para sa panukalang pagbabago sa Konstitusyon sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Sa isang ambush interview, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng pagtataguyod ng mga demokratikong proseso at karapatan ng mga Pilipino na bumoto.



“Para po sa akin, mas kailangan po ang voter registration, lalo na po sa mga bagong gustong magparehistro. This is democracy at karapatan po ng bawat Pilipino na makaboto. Yan po ang ating gagawin sa ngayon. Hindi po para sa galawin ang Constitution,” iginiit ni Go.

Aniya, ang karapatang bumoto ay isang pundamental na aspeto ng demokrasya ng Pilipinas.

Ayon kay COMELEC spokesperson John Rex Laudiangco, posibleng isuspinde ang voter;s registration dahil ang bawat munisipalidad at lungsod ay mayroon lamang isang election officer. Hindi aniya maaaring sabay ang pagpaparehistro at pag-verify ng mga pirmang isinumite para sa People’s Initiative.

Binanggit naman ni COMELEC chairman George Garcia na ang focus ay maaaring matuon sa verification kung uusad ang petisyon.

Gayunpaman, sinabi ni Go ang pangangailangang protektahan ang mga pangunahing probisyon sa kasalukuyang Konstitusyon, lalo pagdating sa karapatang lumahok sa pambansa at lokal na halalan.



Anang senador, ang anumang panukalang pagbabago sa Konstitusyon ay dapat na ang sambayanang Pilipino ang makinabang, kaysa mga pulitiko.

Idiniin niya na dapat munang paglaanan ng panahon para amyendahan ang Konstitusyon at pagpapanatili ng sistema ng checks and balances sa loob ng gobyerno.

Inulit ni Go na ang publiko, imbes na pampulitikang pakinabang ang mangibabaw sa anumang potensyal na pagbabago sa 37-anyos nang Saligang Batas.

“Kung pulitiko po ang makikinabang, hindi po ako sang-ayon d’yan. Kung gagalawin man po, kung saka-sakali ang 37 years na nating Konstitusyon, dapat po ang ordinaryong Pilipino o ‘yung mga mahihirap nating kababayan ang makikinabang, hindi po ‘yung pulitiko,” sabi ng senador.