Advertisers

Advertisers

Bagong Brgy. hall sa Caloocan, pinasinaya

0 2

Advertisers

Personal na pinangunahan ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang inauguration proceedings para sa bagong barangay hall para sa Barangay 176 Bagong Silang noong Huwebes, Enero 18 kasama si District 1 Representative Cong. Oca Malapitan, Vice Mayor Karina Teh-Limsico, at Brgy. Chairman Joel Bacolod.

Ginawang replica ang bagong barangay hall ng South City Hall at tutugon sa pangangailangan ng mahigit 261,000 residente ng pinakamalaking barangay sa bansa.

Ipinahayag ni Mayor Along ang kanyang pananabik na makita ang natapos na produkto dahil ang mga proyekto ay isa sa kanyang mga inisyatiba noong siya pa ang kinatawan ng District 1 at nanawagan din sa mga opisyal at residente ng Bagong Silang na pangalagaan ang kanilang bagong barangay hall.



“Alam po ninyo, kabilang po sa mga pinaglaanan ko ng pondo noong kongresista ako ay ang pagpapatayo ng tanggapan para sa malapit na barangay sa Pilipinas kaya naman po masaya akong makita na mapapakinabangan niyo na po ito ngayon. Sana po ay alagaan ninyo at pagmalasakitan ang bago ninyong barangay hall,” wika ni Mayor Along.(BR)