Advertisers

Advertisers

2 estudyante nag-‘dirty finger’ sa picture habang may pulis sa likod

0 8

Advertisers

INARESTO ang dalawang estudyante dahil sa kanilang larawan na naka-dirty finger habang may mga pulis sa kanilang likod sa Cebu City.

Sa ulat, mga pulis ng Waterfront Police Station sa Cebu City ang umaresto sa dalawang estudyante.

Ginawa ng dalawa ang pagkuha ng larawan Linggo ng gabi sa Barangay San Roque. Samantalang ang mga pulis na nagmistulang background ay kabilang sa mga nagbabantay para sa seguridad ng Sinulog festival.



Idinahilan ng mga estudyante na hindi nila intensyon na maisama sa larawan ang mga pulis. Idinagdag nila na may ipinadala sila na unang larawan sa kanilang mga kaibigan pero matagal daw na nag-reply ang mga ito, kaya nagpadala uli sila ng larawan na siyang naging kontrobersiyal.

Sa kabila ng kanilang paliwanag, sinabi ni Lieutenant Colonel Janette Rafter, deputy director for operations ng Cebu City Police Office, itutuloy nila ang reklamong ‘unjust vexation’ laban sa dalawang estudyante para hindi sila pamarisan ng iba.