Advertisers
ANGELES CITY – Pakay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na lakihan ngayong taon ang mga premyo sa lotto. Sa tingin ni PCSO general manager Mel Robles, ito ang mabisang paraan upang mahikayat ang mga mamamayan na bumili ng tiket sa lotto. Isa sa mga plano ang paglulunsad ng programang Lotto Bilyonaryo kung saan ang pinakamaliit ng mapapanalunan ay P1 bilyon. Kasalukuyan pang ikinakasa ang mechanics ng Lotto Bilyonaryo.
Wala pang takdang panahon kung kailan ito ilulunsad ng PCSO, aniya. Pinag-aaralan ang mga pasikot sikot ng programang ito, ayon kay Robles sa pagharap sa isang pulong balitaan ng mga kasapi ng Capampangan in Media, Inc. (CAMI) sa siyudad na ito. Ngunit malinaw ang pakay na lakihan ang mga gantimpala upang lumaki ang benta ng PCSO. Bilyong piso hanggang maaari.
Nabubuhay ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga islogan tungkol sa kanilang operasyon. “Sa bawat gawa, may kawanggawa,” ito ang pangunahing islogan ng PCSO. “Hindi umuurong sa pagtulong.” Ito pa ang islogan ng PCSO, aniya. Nagsisilbing gabay sila sa operasyon ng PCSO, ani Robles.
Pangunahing mandando ng PCSO na tumulong at magbigay ng pondo sa mga programa sa kalusugan, medical assistance, at iba pang proyektong pangkawanggawa na may pambansang lawak, aniya. Kapag malaki ang benta ng PCSO mula sa mga programa sa lotto, mas malaki ang ibinigay nila sa kawanggawa.
Aabot sa 55% ng benta ang ibinibigay bilang premyo samantalang 30% ang napupunta sa kawanggawa at ang natira sa gastos sa operasyon. Nilinaw ni Robles na nilikha ang PCSO ng RA. 1169 noong 1954. Binago ng Batas Batas 42 ang charter ng PCSO nang lakihan ang pondo sa kawanggawa mula 25% ng kabuuang benta sa 30%.
Nagsasawa ang PCSO ng charity sweepstakes, races, at loterya at nangunguna sa health and welfare-related investments, projects, and activities upang magkaroon ng pondo para sa kanilang mga programa, ani Robles. Iba ang aspeto ng kawanggawa ng PCSO sa programang social corporate responsibility (CSR) ng pribado at pampublikong korporasyon. Umaabot sa 30% ng kabuuang benta ang ipinamamahagi ng PCSO samantalang limitado sa 3-4% ang mga programang CSR, aniya.
Umabot sa P53 bilyon ang benta ng PCSO noong 2022. Nais ni Robles na mapalaki pa ito upang mapalaki ang pondong ibibigay ng PCSO sa kawanggawa. Ikinalungkot niya ang pagkawala o pagbawas sa ilang mga tulong na ipinamamahagi ng PCSO sa mga nasalanta at may sakit noong panahon ni Gongdi. Pangunahin pakay ng PCSO na ibalik ang mga iyon.
***
DALAWA lang ang talagang kailangan gawin ng Commission on Elections (Comelec) ngayon. Una, ang magbaba ang Comelec ng pinal na tagubilin na nagpapataw ng totohanang ban sa Smartmatic upang hindi na makasali sa anumang public bidding ang kompanya sa 2025 midterms elections. Pangalawa, ang muling buksan ng Comelec ang public bidding para sa technology firm na magpapatakbo ng automated election system sa 2025.
Hindi pwede na walang bagong public bidding at papanalunin ang Miru System ng South Korea na nag-iisang sumali sa public bidding noong ika-8 ng Enero. Kailangan buksan muli at bidding at linawin ang mga alituntunin upang tuluyang hindi na makasali ang Smartmatic. Sa ngayon, inirereklamo ng ilang technology firm na walang pagbabago sa mga rules ng public bidding at hindi malayo na makabalik ang Smartmatic habang ipinipilit nito na wala silang paglabag sa mga alituntunin ng Comelec.
Sa ganang kanila, hindi ganap ang pagsansala ng Comelec sa Smartmatic at may mga butas sa public bidding upang muli itong makalahok. Maraming mahika sa Comelec at ito ang dahilan kung bakit wala tiwala ang mga lehitimong te3chnology firm upang lumahok. Hindi pwede na ibigay ang P18.8 na kontrata sa Miru Systems na maraming sabit at reklamo sa mga bansang ginamit ang kanilang sistema.
May ilang tala akong isinulat tungkol sa public bidding ng Comelec. Pakibasa: “The automated election system (AES) for the 2025 midterm elections has two components: Full Automation System with Transparency Audit/Count (FASTrAC) , which will deal with the actual voting and counting of votes on the precinct level; and the transmission system, which deals with the delivery of votes for counting and consolidation.
The Comelec earlier decided en banc to separate the two bundles of services to ensure clean, honest, free, and open elections in 2025. The poll body has come out with terms of reference (ToR) specifying the winning bidder would come out with the hardware and software to ensure the technology firm would deliver their assigned tasks in 2025.
Comelec decided to exclude the transmission system in the “bundled” FASTrAC project. Its chair George Garcia said Comelec wants to do away with the single transparency server that was used in previous elections, enabling the poll body to have a new system to transmit to all recipients without a transparency router.
According to Garcia, Comelec plans to purchase by end-March this year a new poll automation system for the 2025 midterm elections. He also announced that the registration of voters would commence on Feb. 12 and end on Sept. 30 to get at least three million new voters.”
***
BAKIT nga ba may mga reklamo sa Miru System? Bakit hindi dapat papanalunin ng Comelec ang Miru Systems” hayaan ninyo na ibigay ko ang dahilan.
Kinuha ng Iraq ang Miru System upang pangasiwaan ang automated election system (AES) ng Iraq noong 2016. Hindi naging maayos ang pamamahala ng kompanyang Koreano. Naging magulo dahil pawang nangawala ang automation ng halalan. Sa huli, napilitang bumalik sa manual elections ang Iraq sa kanilang halalan na nagbabalik sa ng demokrasya doon.
Kinuha ng Argentina ang Miru System. Sa pag-aaral ng ga mambabatas doon, nakita nila na mas malaking problem ang dadalhin ng Miru System kapag sila ang nangasiwa ng halalan doon. Sa huli, ipinawalang bisa ang kontrata ng Miru sa gobyerno ng Argentina. Ibinigay sa iba ang kontrata at iba ang nagpatakbo ng halalan doon.
Nong 2023, Miru System ang nangasiwa ng halalan sa Congo. Naging magulo ang halalan doon noong Disyembre at hindi naging epektib ang Miru. Pumalpak ang AES doon. Kung walang matinong programa ang Miru System, bakit kukunin ng Comelec ito?
***
MGA PILING SALITA: “To be honest, all countries considers Taiwan as an independent and progressive country with the exception of China. One China Policy is only being recognized by China like their own Nine-Dashline that was created out of their imagination!” – Mylene Otis, netizen, kritiko
“It is important to note that the Joint Communique of the Philippines and China signed by President Ferdinand E. Marcos and Premier Zhou Enlai on 9 June 1975 also stated that “the two Governments agree to settle all disputes by peaceful means… without resorting to the use or threat of force.” I wonder whether this particular provision still matters and has not yet been forgotten by the PRC.” – Commodore Jay Tarriela, spokesman of the Philippine Coast Guard on the West Philippine Sea