Advertisers

Advertisers

CITY AD BERNIE, ‘DESERVING’ SA PAPURI NI MAYOR HONEY; CONGRATS DR. SAM VICTOR TAN

0 53

Advertisers

Una sa lahat, nais kong batiin ang napakagaling na doctor na si Dr. Samuel Victor C. Tan, MD, surgical oncologist sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City. Naipasa niya ang Part II Certifying Oral Examination nitong December 1, 2023 at dahil diyan ay magkakaroon siya ng conferment bilang Diplomate of the Philippine Board of Surgical Oncology sa induction ceremonies ng SOSP 8th Annual Convention na gaganapin sa July 12, 2024 sa Grand Hyatt Manila sa BGC.

Ito ay nilalaman sa liham na pirmado ni Karl T. Morales, MD, FPCS, FSOSP, Secretary of the Philippine Board of Surgical Oncology, Inc. Board of Trustees at noted by ni Chairman Gerald T. Alcid, MD, MHPED, FPCS, FSOSP. Congratulations, Doc at sana ay marami ka pang mapagaling!!!

***



Nitong Lunes, sa flagraising na ginanap sa Manila City Hall, ay hayagang pinuri ni Mayor Honey Lacuna ang City Administrator ng lungsod na si Bernardito ‘Bernie’ Ang. Ang tanggapan ni City Ad Bernie ang siyang nagsilbing ‘host’ sa nasabing flagraising ceremony, kung saan inihayag ng kanyang deputy na si Joy Dawis kung ano ang mga ginagampanan ng kanilang tanggapan.

Totoo talaga ang inihayag ni Mayor Honey sa kanyang speech na itong si City Administrator Bernie ay lagpas-lagpas sa nakatakdang tungkulin ang ginagampanan sa pamahalaang-lungsod.

Bukod kay Mayor Honey, siya lang din ata ang opisyal ng lungsod na inaabot hanggang gabi kung magtrabaho dahil hangga’t maari ay ayaw nitong umaalis ng tanggapan nang may nakabinbing trabaho.

Tinawag naman siya ni Dawis na ‘Ama ng Laging Saklolo.’ ‘Yan ay sa dahilang nalalapitan siya ng lahat at sinisikap niyang tulungan lahat ng dumudulog sa kanya.

Maski nga personal na problema sa legal, puso o relasyon, maasahan mong makikinig si City Ad Bernie at magbibigay ng kanyang mga ginintuang payo sa mga humihingi nito sa kanya.



‘Yan ay sa kabila nang pagiging sobrang abala ng kanyang opisina na siyang nagsisilbing tulay ng alkalde sa bawat isang departamento, tanggapan o bureau ng pamahalaang-lungsod ng Maynila.

Ang city administrator’s office din ang siyang nangunguna sa mga hakbangin upang tiyakin na lahat ng tanggapan ng lokal na pamahalaan ay nakalinya sa layunin o adhikain ng alkalde patungo sa isang “Magnificent Manila” sa 2030.

Ni hindi na nga nagawang isa-isahin ni Dawis ang mga opisina kung saan si City Ad Bernie ay nagsisilbi bilang executive director, chairman, co-chairman at vice chairman dahil ito ay kinabibilangan ng iba’t-ibang executive committee, s executive council, task forces at technical working groups. Talagang tambak ang kanyang ginagampanang papel at tungkulin.

Sa kabila niyan, nagagawa pa niyang kausapin ang kanyang mga tauhan at inaalam din niya ang mga problemang kinakaharap ng kanyang mga nasasakupan at di niya pinababayaan ang mga ito.

Napatunayan ko mismo sa aking sarili kung gaano kabait na boss si City Ad Bernie dahil nung siya ay lumipat mula sa pagiging Secretary to the Mayor patungong City Administrator ay nag-iyakan ang mga empleyado na kanyang iiwan nang mga oras na iyon.

Para sa akin, ito ay patunay na siya ay mahal ng kanyang mga nasasakupan at siya ay nakapag-establish ng personal na relasyon sa kanila.

Ilang beses ko na ding nasaksihan na paglabas ni City Ad sa kanyang opisina, bago umuwi ay hindi pupuwedeng hindi ito dadaan sa malaking altar sa ground floor para magsindi ng kandila sa mga imahe ni Hesukristo at Mama Mary. Hindi niya nakakalimutang magpasalamat sa araw na lumipas.

Kaya naman hindi tayo magtataka kung siya ay patuloy na binabasbasan ng Panginoon.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.