Advertisers

Advertisers

Piolo inilantad ang rason ng pagbabalik-serye; Inah kinabog nang makaeksena sa shooting si Papa John at dyowang si Jake

0 24

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

 

SA pagbabahagi ni Inah De Belen na anak nina Janice De Belen at John Estrada, inihayag nito ang kaba para sa isang intense na eksena sa first film na prodyus nila ng bf na si Jake Vargas.
Nagbalak at nagtanong  kung ano nga ba ang best na business na puwede nilang pagsosyohang magdyowa.
Sey pa ni Inah, tutal nga raw ay pareho sila ng bf na nasa showbiz industry.
Kaya naisip ng couple na maging producers sa sariling pelikula.
Pagbibida pa nga ni Inah na after ng first film produced nila ni Jake ay may lima pa raw naka-line up na film.

 



Mas marami nga raw magproprodyus ay maraming taga-industriya ang matutulungan lalo na nga raw nitong nakaraang festival ay nagbalik na sa panonood ang tao.
Isa raw sa kaba na naranasan ni Inah ay ang kaeksena niya ang ama at si Jake.
As in masyado nga raw intense ang scene ng tatlong bida na sina John, Inah at Jake.

 

***
HALOS isang taon ding namahinga si Piolo Pascual sa paggawa ng serye after ng Flower of Evil nila ni Lovi Poe noong 2022.
Eto’t nagbabalik teleserye ulit si Piolo after ng one year na pamamahinga.
Isiniwalat ng aktor kung bakit napa oo ito at tinanggap ang offer.
Bilib daw si Piolo sa paggawa ng serye ng ABS-CBN kaya nang ialok  sa kanya ang Pamilya Sagrado ay napapayag at tinanggap na niya ito nang bongga.

 

At yun ang gusto ng aktor na may kakaiba or something sa story or character na gagampanan.
Kaya ‘di na ito nagpatumpik-tumpik pa at tinanggap na ang serye as lead star.
Na-miss daw ni Piolo ang paggawa ng serye lalo na’t matagal din siyang namahinga.
Well, well, well… ‘Yun na!