Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
IPINAGMAMALAKI ng sikat na celebrity aktres na si Ivana Alawi na masaya raw ngayon ang kanyang lovelife. Kumbaga, in-love raw si Alana sa isang non showbiz guy.
Ayon sa isang interview kay Ivana sa ABS CBN news ay inamin nitong may karelasyon siya ngayon.
Dagdag pa ng sexy actress na masaya raw ang puso niya ngayon pero hindi pa niya masasabing super happy na siya dahil kauumpisa pa lang daw ng relasyon nila ng non- showbiz guy.
Mas pinili raw niya ang hindi taga showbis dahil selosa raw siya kaya malabong magwo-work ang relasyon kung pareho silang nasa showbiz, huh!
Mas gusto raw ni Alawi ay isang private relationship.
Pero matutupad kaya ang kagustuhan ni Ivana dahil usap-usapan ngayon na ang karelasyon niya ấy isang super rich na pulitiko na hiwalay sa asawa, huh!
***
UMANI ng sari-saring reaksiyon mula sa mga netizen ang latest post ni Luis Manzano na birthday greetings sa kaibigan niyang si Alex Gonzaga, huh!
Sa Facebook post ni Luis, nag-upload ang TV host ng isang larawan kung saan kasama niya ang amang si Edu Manzano, asawang si Jessy Mendiola at si Alex na halos kalahati lang ng mukha ang nakikita, huh!
Parang dino-dog show raw ni Luis ang birthday celebrant na may caption pang “Happy birthday Ate Catherine Mae Gonzaga!”
Tawang-tawa ang mga netizen pero may mga nag-react pa rin at sinasabing hindi raw magugustuhan tiyak ni Alex ang naturang birthday greetings ng ama ng cute na si baby Peanut.