Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KUNG mapipilitan nga lang daw si Kim Chiu na magsalita tungkol sa kanilang hiwalayan ni Xian Lim, dito na raw magtatapos ang karera o career ng aktor.
Sey pa sa pulutan ng isang showbiz program, matindi nga raw ang hawak na pasabog ni Kim.
Kung tuluyan at mapilitang magsalita ni Kim tapos na at mawawalan na ng career si Xian.
Ngunit nanatiling nakatikom ang bibig nito sa kanilang hiwalayan.
Hanggang ngayon ay di pa rin alam ang tunay na dahilan ng hiwalayang Kim at Xian.
Tiyak daw na magugulat ang lahat sa bitbit na pasabog ni Kim at tuluyang mawawalan ng career si Xian ani pa ni Cristy Fermin sa kanyang programa.
Kahit nga ang KimXi fans ay gulat din sa tsikang may bitbit na pasabog si Kim laban sa ex-bf.
***
SHARON NAKAHIHINAYANG NA DI NASUNGKIT ANG BEST ACTRESS SA MMFF 2023
SA kabila na tapos na ang MMFF awards night ay marami pa rin ang nanghihinayang sa di pagkakasungkit sa pagka-Best Actress ni Sharon Cuneta para sa kanyahg pagganap sa Family of Two
Pagdidiin ng netizen na kakaibang atake ng akting ni Sharon ang kanyang ipinamalas sa film na kasama si Alden Richards.
Sana nga raw ay ipinag-tie na lang sila ni Vilma Santos na siyang itinanghal na pinaka-mahusay na aktres sa gabi ng parangal sa MMFF 2023.
Kaya naman maraming nadismaya sa nakaraang MMFF awards night.
Kung susuriin ang aktingan ni Sharon ay deserving itong magwagi as Best Actress.
Nanghinayang din ang netizens sa di pagkapanalo ni Piolo Pascual na multiple character ang ginampanan sa Mallari at puwede rin daw sila mag tie ni Alden na mahusay din sa Family of Two.
Well, well, well…’Yun na!