Advertisers
PASABOG agad sa 2024 ang latest pasilip sa iconic telefantasya ng GMA Network na “Encantadia Chronicles: Sang’gre.”
Makikita sa teaser na inilabas nung January 1 ang pagsasama-sama ng dalawang henerasyon ng mga Sang’gre. Past meets present ang kanilang peg habang nagkakasiyahan sa isang bar.
Sinimulan ang video ng very hot appearance nina Gabbi Garcia bilang Alena, Sanya Lopez bilang Danaya, Kylie Padilla bilang Amihan, at Glaiza de Castro bilang Pirena. Sinundan naman ‘yan ng grand entrance ng mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith da Silva, at Angel Guardian.
Agad na umani ng papuri mula sa netizens ang patikim na ‘yan. Komento ng ilan sa official Facebook page ng serye, “Superrr excited na talaga akooo!!! Slayeddd in. Modern version! Grabe pasabog! Angas ng teaser!! Ang lakas maka-Gen Z! The characters look great in mortal world. It’s a refreshing scene.”
Talaga naming marami na ang naghihintay sa pagbabalik ng Encantadia! Abangan ‘yan soon on GMA Network.
***
Biggest stars sa bansa, sanib-puwersa sa GMA Prime this 2024!
NI-reveal na ng GMA Network ang bigating shows na ihahandog nito ngayong bagong taon!
Talaga namang for the win ang 2024 ng mga Kapuso dahil sa mga naglalakihang artista na kanilang mapapanood sa GMA Prime. Una na riyan ang pagbabalik-teleserye ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kasama ang bankable actor na si Gabby Concepcion sa “My Guardian Alien.”
Mapapanood na rin simula January 15 ang much-awaited comeback ni Ultimate Star Jennylyn Mercado kasama ang in-demand leading man na si Xian Lim sa “Love. Die. Repeat.” Back-to-back ang premiere nito sa seryeng “Asawa Ng Asawa Ko” na pagbibidahan naman ng dekalibreng aktres na si Jasmine Curtis-Smith at Kapuso Total Heartthrob Rayver Cruz.
This 2024, magsasanib-puwersa rin sa “Pulang Araw” sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, First Lady of Primetime Sanya Lopez, Pambansang Ginoo David Licauco, at Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
First time naman sa isang proyekto nina Box-Office Queen Bea Alonzo, Global Endorser Gabbi Garcia, at multi-acclaimed Kapuso actress Carla Abellana na bibida sa “Widow’s War.” Dapat ding abangan sa GMA Prime this year ang “A Lifetime With You.”
Tutok lang sa GMA Network para sa mga pasabog na programa!