Advertisers

Advertisers

Sundalo lango sa alak namaril: 1 patay, 3 minors grabe

0 11

Advertisers

KULONG ang isang Army sergeant na nakapatay ng 18-anyos na lalaki at nakasugat ng tatlong menor-de-edad sa pamamaril habang lango sa alak sa Magpet, Cotabato nitong Linggo, December 31, 2023, bisperas ng Bagong Taon.

Kinilala ang nasawi na si Eljey Repolidon, 19 anyos; habang tinamaan sa kamay ang vlogger na si Phong Isogon na kilala bilang Kuyaphong sa social media.

Isinuko si Sgt. Alin Anthony Buna Jimenez, 41, miyembro ng 2 Coy, 10CMOBn, CMOR, ng Philippine Army, sa Magpet Municipal Police Station ng mga opisyal ng 10th Civil Military Operation Battalion nitong Lunes.



Nakumpiska sa salarin ang kanyang service firearm na Glock 17 Gen. 4 na may dalawang magazines at isang unit ng ng Suzuki scooter na walang plate number.

Sa pahayag ng Magpet Municipal Police Station at Cotabato Provincial Police Office nitong Martes, dumating sa lugar si Jimenez lulan ng motorsiklo para umorder ng burger at kape. Sinita ito sa paggamit ng motorsiklong walang plaka ng isang grupo ng kalalakihan na nakamotorsiklo rin kaya umalis nalang ito. Hindi nagtagal at umalis narin sa lugar ang mga nanitang kalalakihan.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang salarin na armado ng baril at pinaputukan ang tindahan dahilan para masapol at mapuruhan si Repolidon, habang tinamaan naman sa kamay si Isogon at pagkasugat ng dalawa pa.

Ayon sa pulisya, posibleng target ni Jimenez ang mga kalalakihan na sumita sa kanya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">