Advertisers
NASAWI ang isang pulis nang aksidenteng mabaril nito ang sarili sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Mabuhay, Bansalan, Davao del Sur, Lunes ng madaling araw, January 1, 2024
Sa pahayag ng Davao del Sur Provincial Police Office, nabaril ni Patrolman Jhaniel Salip Pepito ng 2nd Davao de Sur Police Mobile Force Company ang sarili gamit ang naka-issue sa kanyang Canik 9 millimeter pistol.
Nakita pa ng mga kapamilya si Pepito na hawak-hawak niya ang kanyang baril bago umalingawngaw ang isang putok sa loob kanilang tahanan sa Zapanta Village, Barangay Mabuhay, nang mabaril nito ang sarili sa pisngi.
Sa salaysay ng mga kamag-anak nito sa mga imbestigador ng Bansalan Municipal Police Station, naniniwala silang aksidente ang pagkakabaril nito sa sarili.