Advertisers
NATANGAY ng tatlong magnanakaw ang hindi bababa sa P40 million na halaga ng mga gintong alahas sa isang jewelry store at perang nasa safety vault nito at mula sa isang automated teller machine (atm) sa loob ng Gaisano Mall sa Ozamis City, madaling araw nitong Lunes, January 1, 2024.
Kinumpirma nitong Martes ng Ozamis City Police Office ang insidente, kungsaan sangkot ang tatlong hindi pa nakikilalang mga lalaki, na inaalam na kung sino batay sa recordings ng security camera sa naturang mall.
Pinasok ng mga magnanakaw ang Oro Italia Fine Jewelry branch sa pamamagitan ng pagbutas sa sahig nito mula sa katabing food court ng mall. Maliban sa mga alahas at collections ng establisimento, sinira rin at kinunan ng pera ang isang Metrobank ATM sa tapat nito.
Ayon sa management ng naturang establisimento, hindi bababa sa P40 million ang mga gintong alahas at cash mula sa kaha-de-yero nito ang natangay ng mga magnanakaw.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.