Advertisers

Advertisers

Regal Christmas Party And Thanksgiving, Pamilya Ang Arrive; Ma’am Beautiful Roselle Monteverde At Mark Lapid Nagpaulan Ng Libu-Libong Cash Prizes At Appliances

0 29

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

HINDI lang ang entertainment media ang napasaya ni Ma’am Beautiful Roselle Monteverde sa handog niyang Christmas Party at the same time ay Thanksgiving na rin dahil sa kumitang pelikula na “SHAKE, RATTLE & ROLL EXTREME!”

As of presstime ay kumita na ito ng over 60 million sa takilya. At palabas pa rin sila on their 4th week na. Yes, aside sa press people including your columnist na buong pusong pinasamalatan lahat ni Ma’am Roselle sa suporta sa kanilang SRR EXTREME sa Regal Entertainment, Incorporated. Lahat ng kanilang production staff sa kanilang TV Production na Regal Entertainment partikular na ang kasalukuyang palabas ngayon sa GMA 7 na “LOVERS/ LIARS” by Claudine Barretto. Pati mga director ng Regal ay kasama sa fabulous na pa-raffle ni Ma’am Roselle ngayong taon kung saan nagpaulan siya ng libu-libong cash prizes at major appliances na tatlong brand new refrigerator at 55 inches na Smart TV. Tapos may pasurpresa pa, sa huli at biglang nagpa-raffle ng tumataginting na 100K ang kaibigan ni Ma’am Roselle na si Mark Lapid na kasalukuyang COO of Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority. Majority ng entertainment press and vloggers ay wagi ng P7K each.



Ka-join din sa raffle at pakontes ang ilang artista ng SRR EXTREME at talents ni Tyronne James Escalante. Ang said event ay hosted ni EJ Gonzales at ng magandang Promo Head ng Regal Entertainment na kaibigan naming tunay at mabait na si Ms. Aiz (Aileen) Domingo. In all fairness, ang husay mag-host ng dalawa. Namataan naming present sa party si Direk Jose Javier Reyes na creator ng Lovers/ Liars, at Easy Ferrer at dalawa sa director ng certified blockbuster na SRR EXTREME na sina Direk Jerrold Tarog at Richard Somes.

Pamilyang-pamilya ang ambiance ng Christmas Party ni Ma’am Roselle. More and more beautiful projects for Regal Entertainment this 2024.

***

Dahil Sa Talent Sa Pag-arte At Sayaw, Ysabella Orandain, Hindi Nawawalan Ng Project

HAPPY ako sa tinawag kong “BABY STAR,” na si Ysabella Orandain at hindi siya nawawalan  ng proyekto na mas marami pa sana ang ginagawa kung hindi niya priority ang kanyang pag-aaral kung saan kukuha siya ng kursong medicine.



Well, sa ngayon ay miyembro ng LEVEL UP DANCE CREW si Ysabella at nagpe-perform sila sa iba’t ibang mall especially in Robinsons Mall. Just recently ay kinuha ang grupo ni Ysabella ng Otaku Musika Festival para sa kanilang Christmas event sa Robinsons Las Piñas. And as always marami ang nanood ng show na ikinatutuwa ni Ysabella at mga ka-grupo sa Level Up Dance Crew.

Well, ang GForce lang naman ang naghasa kay Ysabella kaya yung mga dance moves nito ay usong-uso. Pinagkaguluhan din si Yssa sa Colegio dela Nuestra Senora de Guadalupe nang mag-join siya sa taunang Ati-Atihan Festival ng eskuwelahan para sa Grade 10 Field Demo. Napaka-pabolosa ng red gown na suot ng dalagitang actress-dancer ni Ma’am Cris Mayla. At pang beauty queen at modelo naman talaga ang young actress na marami nang nagawang movies kasama na ang popular TV series na “Genuis Teens” na lead role ang ginagampanan.

This 2024 naba-vibes namin na makagagawa ng pelikula si Ysabella sa isang big movie outfit. Well, good luck to you morena beauty, Baby Star.