Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NO doubt, ang loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang isa sa pinakasikat na loveteam ngayon. Ang mga pelikulang ginagawa nila ay laging panalo sa takilya at ang mga seryeng ginagawa nila ay lagi namang panalo sa rating.
Katulad na lang nitong Can’t Buy Me Love. Ito ang nangungunang show ngayon sa Netflix. At patuloy na sinusuportahan/pinapanood ng televiewers lalo na ng kanilang mga fan. Sobrang taas ng rating na nakukuha nito.
Ayon kay Donny, naniniwala sila ni Belle na ang pagsuporta nila sa isa’t isa at ang pagtatrabaho bilang team, ang isa sa sikreto ng kanilang tagumpay.
Sabi ni Donny,“Kami ni Belle, the most important thing talaga is we are here as a team, we’re here to support each other. So, the fact that we’re given these types of blessings, the opportunity to tell stories, we really don’t take it lightly, we do our best to give it all talaga.
“At the end of the day, we really want to give quality entertainment for everyone. Ayon lang, I think we are just ourselves.
“I honestly really don’t know how to answer this question sometimes but I’m just very blessed to be able to go to this with you,” dagdag pa ng binata sabay tingin kay Belle,” aniya pa.
Sey naman ni Belle, “We’re very grateful to be here. Maraming, maraming salamat.
“I think a factor too is being aligned with one another. We both have the same goal and that is to deliver a great project,” aniya pa.
Nagpapasalamat naman si Belle sa suporta ng kanilang fans, lalo pa at nakikita niya kung paano tinututukan ng manonood ang bawat detalye at rebelasyon sa kanilang serye na Can’t Buy Me Love.
“Para silang mga imbestigador sa totoo lang. Kaya nilang i-predict kung ano yung nangyayari sa story and natutuwa kami na minsan tama yung predictions pero minsan parang ay mali ka dyan. Madami pang mangyayaring katulad niyan in the future. Sobrang kaming natutuwa sa feedback niyo. Kami rin katulad din namin sila na talagang aabangan kung what’s going to happen next,” saad niya.
Huwag kalimutang panoorin gabi-gabi ang Can’t Buy Me Love sa Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5.