Advertisers

Advertisers

Claudine engaged na sa non-showbiz guy na mas bata ng 17 years

0 1,162

Advertisers

Ni BETH GELENA

HOW true na engaged na si Claudine Barretto sa isang non-showbiz guy named  Architect Carlos Marasigan of Pacifica Land Development Corporation.

Matanda umano ng 17 years ang aktres kay  Marasigan.



May bagong teleserye si Claudine sa GMA7, ang Lovers/Liars na ang kapareha niya ay si  Yasser Marta.

May mga nagsassbing kung totoo raw ito ay ang galing tumiyempo ng aktres dahil pasok sa promo ng kanyang serye ang balitang engaged na siya.

***

SOUTH AFRICAN SINGER TYLA PINURI SI SARAH SA PERFORMANCE NG WATER SONG

Nagreak ang South African singer na si Tyla sa ‘Water’ performance ni Sarah Geronimo sa ASAP Natin To nitong Linggo, December 19.



Si Tyla, ang original singer ng ‘Water,’ na pinerform ni Sarah G.

Sa X page ng international singer ay nagbigay siya ng reaksyon sa naging performance ng Royal Popstar.

Aniya, “It’s so crazy seeing people perform my song with huge productions, costumes, choreo, etc etc… what the heck🤍.”

Agad namang nagkomento ang netizens lalo na ang Popster fans sa magandang komento ni Tyla.

Anila, “OMG [Tyla] we love you! Your song ‘Water’ is a big hit here in the Philippines!”

“Thanks for noticing her.  She’s Philippines Pop Queen btw.”

Ang song ng South African singer ay ni-relis last July 28 na agad naging successful sa music industry at viral sa dance challenge sa TikTok.

“Even before the challenge started, before the video went viral, people were loving the song. But I think what really took it to the edge was my performance of it,” ani Tyla sa interview with PEOPLE.

***

ANDREA TIKOM PA RIN ANG BIBIG, LESS TALK, LESS MISTAKE

HANGGANG ngayon ay tahimik pa rin si Andrea Brillantes hinggil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa break up nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Naging topic sa Showbiz Update ang pananahimik ni Blythe (Andrea).

Ani Ogie Diaz, “Siguro hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production.”

Aniga,  “maaring pinipigilan na rin siyang magsalita ng production o kanyang management – Lalo na at maganda ang  reaksyon ng publiko sa serye nitong ‘Senior High’ . Pinuri pa nga niya ang husay sa pag-arte ng young actress kahit dalawa pa ang karakter nito  sa  serye.

Hindi maiiwasang maihambing ito sa kanyang reaksyon sa hiwalayan nila ng basketball player na si Ricci Rivero at maging sa bagong karelasyon nito.

“At saka siguro, hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production, ng mga may kinalaman sa kanyang career. Kasi nga whatever she says, ganun pa rin. Makakakita’t makakakita pa rin ng mali ‘yung mga tao,” esplika ng batikang manunulat.

Marahil hindi na rin daw nagsalita pa si Andrea tungkol sa mga isyung ipinupukol sa kanya.

Siguro nga, mananatili na lang na tahimik ang dalaga kahit na panay ang bato sa kanya ng mga masasakit at masasamang salita ng netizens.

Marami na rin ang nag-unfollow sa kanyang mga Gen Z stars lalo na’t ang mga ito ay kapanalig ni Kathryn.

Less talk, less mistakes, ika nga.