Advertisers
ISANG pedicab driver na umano’y ‘courier’ ng ipinagbabawal na droga ang inaresto ng mga tauhan ng Substation 8 ( Airport ) ng Pasay CPS at PNPTFM Anti-Crime habang nagsasagawa ng Oplan Galugad sa isang barangay sa lungsod ng Pasay.
Hindi na nakapalag ng arestuhin nina PSSg Jason Paquia , PSSg Rico Mendieta at Anti-Crime volunteer Eva Javier Tulagan, ang suspek na si Kris Abas y Ino, 44, binata, residente ng 41 Cinco de Junio Street, Barangay 195, Pasay City.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga otoridad sa kahabaan ng Airlane Road, Barangay 198 nang maispatan nila ang suspek na humihithit ng sigarilyo kaya’t nilapitan ito para mag-isyu ng City Ordinance Violation receipt.
Habang bineberika ang suspek ay napuna ng mga otoridad na hindi ito mapakali at sinubukan pang tumakbo ngunit agad na napigilan na nag-udyok sa mga pulis na hilingin sa una na alisin ang laman ng kanyang mga bulsa.
Ang suspek ay nakuhanan ng one-piece small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit o kulang 0.08 gramo na may halagang SDP na Php 500.00.
Ayon kay Abas, inalok siya ng isang ‘kaibigan’ na magdala ng shabu kapalit ang P200 piso bayad sa pagdadala ng ipinagbabawal na droga.
Inihahanda na ang reklamo para sa Paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa naarestong suspek para sa Inquest sa Pasay City Prosecutor’s Office. Arestado din ang suspek dahil sa Paglabag sa City Ordinance 6012 o Smoking in Public Places. (JOJO SADIWA)