Advertisers

Advertisers

P1m reward sa suspek sa MSU bombing

0 2

Advertisers

NAGLAAN ang Philippine National Police (PNP) ng P1,000,000 reward sa makapagtuturo sa 2 pangunahin suspek sa pambobomba sa gymnasium ng Mindanao State University na ikinasawi 4 katao at pagkakasugat ng 50 iba sa Marawi City.



Ayon kay Colonel Jean Fajardo, Chief PNP Public Affair Office, naglaan ng P1 million pabuya ang PNP–PRO-BARMM para sa pagkakadakip ng dalawang pangunahin suspek na sina Kadapi Mimbisa alias “Engineer” at Arsani Membisa alias “Khatab, Hatab at Lapitos” na pawang miyembro ng DI-Maute Group.

Ayon kay Fajardo, ang 2 suspek ay kapwa may warrant of arrest sa kasong murder at may involvement rin sa previous bombing incidents partikular sa probinsya ng Lanao del Sur at Lanao del Norte

“Meron na rin P1 million reward na inilabas for the immediate identification nitong 2 POIs natin. So by publishing these pictures, please help us para Madali natin matunton ang kinaroroonan nitong mga POIs na ito,” saad ni Fajardo.

Kaugnay nito, sinabi ni Fajardo na nasampahan na kasong “illegal possession of explosives at harboring criminal laban sa kay Jafar Sultan alias “Jaf at Kurot” na unang nadakip ng militar at PNP.

Aniya, base sa kanilang mga impormasyon, sa bahay ni Jafar nag-meeting at nagplano sina Engineer at Lapitos para pagplanuhan ang gagawing pagpapasabog sa MSU.

Iinihayag din ni Fajardo na dalawang miyembro ng Daulah Islamiya-Maute Group ang nadakip ng mga otoridad sa pagpapatuloy na operation ng militar at PNP. Ito’y sina alias Mausog, top 4 most wanted person sa provincial level; at alias Monatanda o Titing, top 3 most wanted sa provincial level, na kapwa may warrant of arrest sa kasong murder.

Sina alias Mausog at alias Monatanda o Titing ay naaresto ng mga operatiba sa Barangay Cabasaran Lumbayanague, Lanao del Sur noong Dec 9, 2023. (Mark Obleada)