Advertisers

Advertisers

Mister patay, misis at anak sugatan sa ambush

0 3

Advertisers

NASAWI ang isang ama habang sugatan ang misis at anak nito nang tambangan sa Barangay Tamontaka 4, Cotabato, Martes ng hapon.

Sa ulat ng Cotabato City Police Office nitong Miyerkules, kaagad nasawi ang padre-de-pamilya na si Rahim Timbangan Arsad, habang sugatan ang kabiyak nitong si Melissa at dalawang buwan na anak na lalaki.

Nabatid na sakay ang mag-anak ng motorsiklo nang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa isang bahagi ng highway sa Barangay Tamontaka 4.



Ayon sa Cotabato CPO, nasawi sa tama ng mga bala sa ulo si Arsad. Dinala naman sa pagamutan ang mag-ina niya.

Mabilis na nakatakas ang mga salarin.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya.