Advertisers
NAPATAY ng mga pulis ang salarin sa pagbaril-patay sa kanilang kabaro nitong Miyerkules ng umaga sa Talisay City, Cebu.
Kinilala ang napatay na si Jenecy Rafols alyas “Atong Rafols.”
Sa report, isisilbi ng mga pulis ang arrest warrant laban kay Rafols sa Barangay Tapul, Talisay City, Cebu pero nanlaban umano ito, dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Si Rafols ang suspek sa pagbaril-patay kay Corporal Ryan 1Baculi, 32 anyos, sa isang buy-bust operation sa Barangay Kinasang-an, Cebu City nitong nakaraang Nobyembre.
Aarestuhin sana ni Baculi ang target na si “Ramol,” nang barilin siya ng kasamahan nito na si Rafols.
Ayon sa pulisya, sangkot si Rafols sa ilang kaso ng pagpatay at hinihinala rin na miyembro ng gun-for-hire group.