Advertisers
PUMALO sa halos 300 o kabuuang 296 bagong kaso ng HIV ang naitala ng Department of Health (DOH) sa Ilocos Region sa unang pitong buwan ng taon, simula Enero 1, 2023 hanggang Hulyo 30, 2023.
Nabatid sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), nito lamang Hulyo 2023, nasa 45 bagong HIV cases ang naitala ng DOH. Sa Pangasinan ang may pinakamaraming bilang ng kumpirmadong kaso na nasa 28.
Sumunod ang Ilocos Sur na may anim, Ilocos Norte at La Union na tig-apat na kaso, at Dagupan City na may tatlong kaso.
Nabatid na mula 1984 hanggang sa kasalukuyan, nasa 3,051 indibidwal ang natukoy na may sakit na HIV sa rehiyon.
Kaugnay nito, iniulat ni Infectious Disease Cluster head Rheuel C. Bobis na ang HIV-related mortality ay bumaba ng 70%.