Advertisers

Advertisers

Quizon kampeon sa Sabah chess Championship

0 13

Advertisers

NAKAMIT ni International Master (M) Daniel Quizon ng Pilipinas ang unang puwesto sa Eastern Asia Juniors and Girls Chess Championship 2023 – Open division.

Si Quizon ay may pitong panalo, isang tabla at isang talo sa pagtatapos ng isang linggong torneo na natapos Biyernes, Disyembre 8 sa Sabah Oriental Hotel sa Kota Kinabalu, Sabah, Malaysia.

Siya at ang second placer Mongolian FM Munkhdalai Amilal ay may magkaparehong mga marka ngunit si (Quizon) ay may mas mataas na tie break.



Matatandaang nanguna si Quizon sa Eastern Asia Juniors sa South Korea noong 2018 para makamit ang outright International Master (IM) title at ang kanyang unang Grandmaster Master (GM) norm.

Tinalo ng Dasmariñas City, Cavite-based Quizon si Brayden Carl Linus ng Malaysia sa unang round, Jan Clifford Labog ng Pilipinas sa second round, CM Fabian Glen Mariano ng Indonesia sa ikatlong round, FM Christian Gian Karlo Arca ng Pilipinas sa ang fifth round, Nirish Kumar Siva Kumar ng India sa sixth round.