Advertisers

Advertisers

Ceniza nasungkit ang silver sa World Grand Prix II sa Qatar

0 3

Advertisers

NASUNGKIT ng Pilipinas ang isa pang silver medal kaloob ni John Febuar Ceniza sa men’s 61kg category ng International Weightlifting Federation (IWF) Grand Prix ll sa Doha, Qatar Huwebes.

Kahit magtapos fourth sa snatch (133kgs) at fifth sa clean and jerk (165kgs), ang 25 year-old Cebuano narehistro ang second-best total na 298kgs.

Naghari ang South Korean Pak Myong Jin sa clean and jerk (171kgs) at kabouang (305kgs),habang Chinese Li Fabian ang nangibabaw sa snatch (137kgs)



Malaysian Mohamad Aniq bin Kasdan at American Hampton Miller Morris nagwagi ng silver at bronze medals, ayon sa pagkakasunod sa clean and jerk. Habang si kasdan sinako ang bronze medal sa total.

Ceniza, two-time silver medalist sa SEA Games, nagtala ng national rekord na 134kgs sa snatch sa panahon ng Hangzhou Asian Games nakaraang Oktobre.

Ang 2020 World Cup bronze medalist rin ang may hawak ng national rekords sa clean and jerk (170kgs)at total (300kgs)

Samantala, Ang IWF World Grand Prix 2 ay magpapahinga at babalik sa Biyernes na ang women’s 59kg category kung saan ang Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz at 2023 Cambodia SEA Games gold medalist Elreen Ann Ando ang sasabak.

Nakatakdang maglaro sa Linggo sa women’s 71kg category sa Linggo ay sina SEA Games gold medalist Vanessa Sarno (2021 at 2023) at Kristel Macrohon (2019)



Ang Pilipinas sa ngayon ay meron ng 4 silver medals,kabilang ang 3 mula kay Rose Jean Ramos sa women’s 45kg category nakaraang Martes.