Advertisers

Advertisers

MMDA NAGLUNSAD NG SPECIAL OPERATIONS GROUP LABAN SA EDSA BUSWAY VIOLATORS

0 38

Advertisers

INILUNSAD ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang restructured operations group na lalaban sa mga violators sa eksklusibong EDSA busway policy, bilang isa sa mga pangunahing gawain nito.

Ang bagong pinangalanan na Special Operations Group (SOG) ay nasa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas at ang deputy officer-in-charge nitong si Gabriel Go.

Sa ilalim ng restructured group, isasagawa ang mas pinaigting na kampanya laban sa mga maling motorista na hindi awtorisadong gumamit ng EDSA Busway.



Si Vargas, sa kanyang bahagi, ay nagsabi na ang mga apprehending officers ay magkakaroon ng body-worn cameras upang magsilbing “proteksiyon para sa mga enforcer at sa mga nahuling motorista.

“Ang aming mga body-worn camera ay konektado sa aming Communications and Command Center at ang feed nito ay hindi maaaring i-edit at ang device ay hindi rin ma-off,” aniya,

“This also eliminates hearsays and he-said-she-said arguments.”dagdag ni Vargas

Binanggit din ng AGM for Operations na epektibo ang mas mahigpit na multa sa mga paglabag sa EDSA Busway dahil itinuturong niya ito sa pagbaba ng bilang ng mga nahuhuling motorcycle riders at drivers.

Simula noong November 28, may 41 violators na nabigyan ng citation ticket dahil sa EDSA Busway violation; 23 dito ay motorsiklo, 17 ay apat na gulong na sasakyan, at 1 public utility bus.



Sa unang linggo ng pagpapatupad ng mas mataas na multa laban sa mga lumabag sa busway ng EDSA simula Nobyembre 13, mayroong 1,262 motorista ang nahuli habang ang MMDA ay nagtala ng 345 na pagdakip noong nakaraang linggo. (JOJO SADIWA)