Advertisers

Advertisers

P2m pekeng yosi nasamsam sa Laguna

0 16

Advertisers

Tinatayang nasa P2 milyon ang halaga ng mga pekeng sigarilyong nakumpiska sa operasyon at isang babae ang naaresto sa San Pablo City, Laguna.

Ayon sa Calabarzon police, naaresto ang 49 anyos na suspek sa buy-bust operation sa Barangay Concepcion noong gabi ng Biyernes.

Nakuha sa operasyon ang mga kahon ng pekeng sigarilyo.



Ayon kay Police Lt. Col. Vicente Cabatingan, galing sa mga supplier na Chinese national ang mga pekeng sigarilyo at nagsisilbi lang na distributor ang nahuling suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines.