Advertisers

Advertisers

P200B sobrang singil ng Meralco, ibalik ‘in cash’ sa mga konsyumer – Cong. Fernandez

0 17

Advertisers

Ipinababalik ni Santa Rosa City, District Representative Dan S. Fernandez sa Manila Electric Company (Meralco) ang P200 bilyon sa mga consumer ng ‘in cash’ ang sobra-sobrang singil at hindi sa pamamagitan ng off-setting sa mga bills base sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Sa isinagawang deliberasyon ng Committee on Legislative Franchises, inihayag ni Cong. Fernandez sa kaniyang privilege speech ang sobrang pagkolekta ng Meralco sa 7.7 milyong consumer nito.

Ayon kay Fernandez, walang karapatan ang ERC na magdesisyon kung ano ang kagustuhan ng mga consumers sa makokolekta nilang refund mula sa Meralco.

“The people’s prorogative to use it on matters that they deem appropriate is a right that solely belongs to them,” pahayag ni Fernandez sa kaniyang privilege speech sa Kongreso.

Lumihan din si Fernandez kay ERC Commissioner Monalisa C. Dimalanta upang hilingin na makumpleto ang pamamahagi at utusan ang Meralco na ipagpaliban ang pagbili nito para sa 1,800 MW power supply, hanggang sa mabawi nito ang Terms of Reference (TOR) at tiyakin ang kumpletong pagsunod sa 2023 DOE CSP Circular at kamakailang inilabas na implementing gguidelines nito.

“We recognized your boldness in releasing the ERC’s decision on NGCP’s 4th Regulatory Reset (Phase 1). This action has given our people hope and is building back trust to our government, particularly, to the Energy Regulatory Commission that you are currently leading,” nakasaad sa liham ni Fernandez.

Bukod dito, ipinakita ni Fernandez ang nakuhang externally-audited financial statement sa labis na nakolektang pera na dapat aniya ay ibalik nang buo sa mga consumer at hindi gaya ng ginagawa ng Meralco na ibinabawas nang paunti-unti sa buwanang konsumo ng sa kanilang mga kliyente.

Kapansin-pansin din aniya ang mga monopolistic at monopsonic na katangian ng Meralco sa pagdinig dahil naging kaugalian na nito na iangkop ang Terms of Reference of their invitation to Bid gaya ng ipinakita sa kanilang 1800 mw na inilathala sa imbitasyon.

Sa nabanggit na imbitasyon sa Bid, na-disqualify nila ang lahat ng existing power plants maliban sa mga planta na nagsimula ng kanilang commercial operations mula Enero 2020-2025.