Advertisers
Dead-on-arrival sa ospital ang isang security guard habang sugatan ang kanyang mag-ina nang sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang nakahintong trak sa national road, Barangay Abiawin, Infanta, Quezon Sabado ng gabi.
Ayon kay PCpl Ariane Ticlaen, 10:50 ng gabi ng maganap ang insidente.
Galing ang mag-anak sa isang birthday party pauwi sakay ng motorsiklo at binabagtas ang nasabing lugar nang mabangga ng mga ito ang isang warning signage na plastic barrier ng nasiraang trak sa gitna ng highway.
Subali’t dumiretso pa ang motorsiklo at na sumalpok sa likurang bahagi ng trak .
Nagtamo ng mga pinsala ang mag-anak at agad isinugod sa ospital ngunit ideneklarang dead on arrival ang lalaki.
Nasa maayos na namang kondisyon ang misis nitona si Rosalie Prudente Rutaquio, 33 at ang kanilang menor de edad na anak n abatang lalaki.
Ayon pa sa pulisya, madilim ang lugar na pingyarihan ng aksidente at madulas ang kalsada dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Napag-alaman din na walang suot na mga helmet ang mag-anak.